News Releases

English | Tagalog

Maki, may mapanakit na mensahe sa kantang "HBD"

January 15, 2024 AT 10:55 AM

Mula sa tagumpay ng kanyang “Tanong” EP

Bagong kanta ang ibinungad ng rising Kapamilya artist na si Maki sa pagpasok ng 2024 sa kanyang alternative pop single na tinawag na “HBD.”

Agad namang nanguna ang kanta sa New Music Friday ng Spotify Philippines habang naging cover artist mismo si Maki ng ng nasabing playlist.

Tungkol ang “HBD” sa pag-alala sa dating kasintahan sa kaarawan nito at pagmumuni-muni kung tama bang mag-reach out dito o huwag na lang. Tampok din sa awiting isinulat nina Maki at Nhiko Sabiniano ang pagtanggap sa nagtapos na pag-ibig.

Inilunsad ni Maki ang awitin sa isang intimate launch party na ginanap noong Enero 7 sa Magdamag Market Café sa Quezon City kung saan nagbahagi siya at ang kanyang fans ng kanilang kwentong HBD o karanasan ng pagkasabik sa dating minamahal sa kaarawan nito.

Sinusundan ng “HBD” ang matagumpay niyang EP na “Tanong” na inilabas noong nakaraang taon tampok ang mga mapanakit ding awitin na “Kailan?,” “Bakit?,” at “Saan?,” ang kanyang biggest hit sa kasalukuyan na meron ng 49 million streams sa Spotify.

Samahan si Maki sa pagbabalik-tanaw sa dating pag-ibig sa “HBD” na napapakinggan na ngayon sa iba’t ibang music platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.