News Releases

English | Tagalog

Stars ng "Pira-Pirasong Paraiso" lubos ang pasasalamat sa huling dalawang linggo ng serye

January 17, 2024 AT 08:24 AM

Stars of "Pira-Pirasong Paraiso" thankful over positive feedback; series down to last 2 weeks

“Pira-Pirasong Paraiso" is a co-production series between ABS-CBN and TV5 and is directed by Raymund Ocampo and Roderick Lindayag

Loisa at Alexa, todo papuri sa mga kasamahan sa serye…

Malaki ang pasasalamat ng mga bida ng “Pira-Pirasong Paraiso” na sina Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad, at Elisse Joson, sa mga papuri ng mga manonood para sa kanilang serye kung saan umiigting ang mga eksena para sa huling dalawang linggo. 

Ikwinento nina Loisa at Alexa sa isang episode ng “Magandang Buhay” kamakailan na nang dahil sa suporta ng viewers, maayos nilang nabigyang-buhay ang kani-kanilang mga karakter at naging matagumpay ang takbo ng serye kung saan nakamit nito ang all-time high record na 118,395 live concurrent views sa Kapamilya Online Live noong Nobyembre.

“Nung nabigyan ako ng isang eksena na action, natuwa po sila kaya sunod-sunod na ‘yung action scenes. Hindi kasi kami nag-training pero may nagtuturo sa amin sa set. Si Ronnie [Alonte], malaking parte rin siya sa akin kasi siya ‘yung nag-guide sa akin sa fight sequences,” sabi ni Loisa kung saan ito ang unang beses niyang sumabak sa action scenes para sa isang serye.

Wagas din ang pasasalamat ni Alexa sa kanilang mga co-star, kabilang sina Ronnie Alonte, KD Estrada, at Joseph Marco, dahil nakabuo siya ng pangalawang pamilya sa kanilang matibay na samahan on at off cam.

“Sobrang proud ako sa show na ito at sa bawat isa sa amin. For me, we finished with flying colors and we really built a strong connection. More than being sad that it’s over, I’m more proud of what we accomplished,” saad niya. 

Labis din ang papuri ng veteran actresses na sina Snooky Serna at Sunshine Dizon sa buong cast ng “Pira-Pirasong Paraiso.” Para sa kanila, naipakita ng mga ito ang kanilang husay sa pag-arte at pagiging marespeto sa bawat isa sa kanilang mga co-star.

Ang "Pira-Pirasong Paraiso" ay isang co-production series mula sa ABS-CBN at TV5 at ito ay sa ilalim ng direksyon nina Raymund Ocampo at Roderick Lindayag. 

Sa huling dalawang linggo ng “Pira-Pirasong Paraiso,” nanganganib ang matagal nang pinapangarap na hiling ng Paraiso sisters na mabuo muli ang kanilang pamilya dahil mas pinalakas pa ni Criselda (Rosanna Roces) ang kanyang pwersa, kasama sina Jacinda, Badong, at Hilary (Snooky Serna, Epy Quizon, at Elisse), upang maghiganti at pabagsakin sina Amy, Beth, at Diana (Loisa, Alexa, and Diana). 

Dahil sa malaking dagok sa kanilang buhay, magkaroon pa kaya ng happy ending ang love story sa relasyon ng sweethearts na sina Amy at Jonaf (Ronnie), ang mag-ex na muling nagkabalikan na sina Diana at Vlad (Joseph), at ang engaged couple na sina Beth at Elon (KD)?

Tutukan ang “Pira-Pirasong Paraiso,” Lunes hanggang Biyernes ng 2 PM at kada Sabado ng 3 PM, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC. 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.