News Releases

English | Tagalog

Belle, iparirinig ang bagong musika sa "The Solemn" album launch sa Skydome

January 18, 2024 AT 12:14 PM

Two-part album ni Belle, kumpleto na!

Muling magpapasiklab sa entablado ang new gen phenomenal actress at singer na si Belle Mariano para sa kanyang “The Solemn” album launch na gaganapin sa SM City North Edsa Skydome ngayong Enero 27 (Sabado). 

Tampok sa inaabangang event ang live performances ng “Can’t Buy Me Love” star mula sa kanyang bagong album na “And Solemn” na ilalabas din sa parehong araw. 

Ang “And Solemn” ang pangalawang installment sa two-part album ni Belle na iprinodyus ni StarPop label head Roque “Rox” Santos. Mayroon itong limang bagong awitin kabilang na ang “Autumn” song collaboration nila ng Ben&Ben na iikot tungkol sa journey at determinasyon ng isang tao pagkatapos pagdaanan ang kalungkutan. 

Noong nakaraang taon, inilunsad niya ang unang bahagi ng album na tinawag na “Somber” na umani na ngayon ng 18 milyong streams sa Spotify at nagpasikat sa iba’t ibang awitin tulad ng “Somber and Solemn” at “Bugambilya.” Pinatunayan din ni Belle na siya ay isang certified pop star sa kauna-unahan niyang face-to-face solo major concert na “Beloved” na naganap sa New Frontier Theater. 

Mabibili ang tickets para sa “The Solemn” album launch sa SM Tickets website at SM Tickets outlets nationwide sa halagang P3,950 (VVIP with meet and greet), P2,950 (VIP), and P1,950 (Regular). 

Mapapakinggan na ang “And Solemn” album ni Belle simula ngayong Enero 27 sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.


 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE