News Releases

English | Tagalog

Viral acting workshop na negosyo ni Ogie Diaz, itatampok ni Karen sa "My Puhunan"

January 19, 2024 AT 08:03 PM

Karen features Ogie Diaz's acting workshop biz in "My Puhunan"

Karen Davila visits Ogie Diaz in his studio as she gets to witness the viral acting workshop of the entertainment writer turned business owner in “My Puhunan” this Saturday (Jan 20).

Migs, lumipad ng Singapore para bisitahin ang isang Pinoy resto
 
Gusto niyo bang mag-artista? 

Isang makabuluhang Sabado na naman ang hatid ni Karen Davila sa pagbisita niya kay Ogie Diaz sa kanyang studio, kung saan masasaksihan ng Kapamilya journalist ang viral acting workshop ng entertainment writer na ngayon ay isa ng business owner sa “My Puhunan” ngayong Sabado (Enero 20). 
 
Ayon kay Ogie, pinasok niya ang pagtuturo ng acting workshop dahil ito ay malapit sa kanyang puso bilang isang artista na napasama sa ilang TV at film projects.
 
“Huwag kang papasok sa negosyong wala kang alam. Itong negosyo na ‘to, itong workshop, alam ko ‘to kasi nasa industry talaga ako. Dapat ‘yung negosyong itatayo mo, [ito] ‘yung magpapasaya sa’yo,” kwento ni Ogie kay Karen.
 
Samantala, Proud Pinoy naman ang biyaheng Singapore ni Migs Bustos para puntahan si chef Kurt Sombero, isang Pilipinong may-ari ng kubu restaurant na handog ang iba’t ibang putahe na tatak Pinoy tulad ng ensaldang talong, sisig, kare-kare, lechon, and the traditional wood-fired barbeque. 

Huwag palampasin ang mga kwentong puno ng inspirasyon sa ‘My Puhunan: Kaya Mo!’ kasama sina Karen Davila at Migs Bustos sa bago nitong timeslot tuwing Sabado, 5:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live at sa iba pang ABS-CBN News online platforms.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.