News Releases

English | Tagalog

Kio Priest, inilabas ang debut EP na "mental gymnasium"

January 26, 2024 AT 09:30 AM

Tampok ang key track na “txt you 1st” kasama si Anji Salvacion

Ibinahagi ng baguhang singer-songwriter na si Kio Priest ang iba’t ibang aral ng buhay sa kanyang debut EP na “mental gymnasium.”
 
“This is an album born from all of the mental gymnastics from everything that happened to me for the past few months. These are real and loud answers to thoughts about a convenient love affair, why I shouldn’t give up on myself, why I should let go of others, why I should stay, and just plain why,” saad ni Kio.
 
Dagdag pa ng queer artist, para na rin siyang nag-mental gymnastics dahil sa kanyang iba’t ibang ‘feels’ na pinagdaanan.
 
Naglalaman ang EP ni Kio mula sa StarPop ng anim na awitin kasama ang key track nito na “txt you 1st” na tungkol sa self-preservation at tampok ang kapwa niya Kapamilya artist na si Anji Salvacion.
 
Kasama rin sa EP ang mga kantang  “cherry blossoms,” “cut u off,” “overthinking,” at ang mga nauna nang inilabas na single na “cool with u” at “night time prince” na isinulat at iprinodyus mismo ni Kio.
 
Bago tuluyang maging mang-aawit, unang pinasok ni Kio ang songwriting at nakapagsulat na siya ng ilang commercial jingles at mga awitin para sa iba’t ibang Pinoy artists tulad nina  Nadine Lustre, James Reid, Enchong Dee, at Matteo Guidicelli.
 
Layunin niya ngayon bilang solo artist ang mag-kwento ng personal na karanasan bilang proud na miyembro ng LGBTQIA+ community.
 
Pakinggan ang debut EP ni Kio na “mental gymnasium” available sa iba’t ibang music streaming platforms.  Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE