News Releases

English | Tagalog

Balikan ang trending performance ni Sarah G, pati mga pasabog nina Piolo, Janno at Belle sa 'ASAP Natin 'To'

January 26, 2024 AT 03:02 PM

'ASAP Natin 'To' throws it back with Sarah G's trending act, and performances from Piolo, Janno, and Belle

Let's go for a rewind as your favorite weekend viewing habit throws it back with a series of trending best-of-the-best acts from 2023 this Sunday

Pakatutukan muli ang performances nina Shaina, Bamboo, KZ, Yeng, at iba pa

Maki-throwback sa mga bigay-todong ASAP acts na pinag-usapan noong 2023 sa best-of-the-best party ng paborito ninyong weekend habit ngayong Linggo (Enero 28) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Balikan natin ang trending "Water" performance ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na talagang pinag-usapan sa social media sa best-of-the-best edition ng "Sarah G Specials."

Hindi naman pahuhuli ang ultimate OPM collab nina KZ, Yeng Constantino, at Piolo Pascual, habang swabeng-swabe ang balladeer kantahan nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Janno Gibbs kasama ang Six Part Invention. Bidang-bida rin ang girl power sa pasabog ni Belle Mariano kasama sina AC Bonifacio at Gela Atayde.

Maki-party muli sa Pinoy hits kantahan at sayawan ng P-Pop groups na Yes My Love, Calista, PLUUS, at YGIG, kasabay sina Erik Santos, Jeremy G, Jason Dy, Fana, Krystal Brimner, Jameson Blake, Joao Constancia, Jin Macapagal, Chie Filomeno, at ang buong ASAP Kapamilya with Robi Domingo, Edward Barber, at Janine Gutierrez.

Tuloy-tuloy ang P-Pop throwback sa back-to-back pasabog ng BINI at BGYO, habang palong-palo naman si AC sa kanyang "Clash Dance" tapatan kasama si Jane de Leon, at ang kanyang hataw collab with Darren, Gela, at Gab Valenciano.

Iinit muli ang ASAP stage sa solo performance ni Shaina Magdayao. Sundan naman ito ng trio kantahan nina from Darren, Kyle Echarri, at Bamboo, pati ang divas biritan nina Zsa Zsa Padilla, Frenchie Dy, Bituin Escalante, at Regine Velasquez.

Balikan din ang senti hits tapatan nina Jona, Jed Madela, Frenchie, Bituin, JM Yosures, Khimo Gumatay, Elha Nympha, Sheena Belarmino, Lyka Estrella, Lara Maigue, Katrina Velarde, at Sheryn Regis.

At pakatutukang muli ang ASAP salubong para kay Odette Quesada kasama sina Angeline Quinto, Zsa Zsa, Darren, Ogie, and Regine sa best-of-the-best edition ng "The Greatest Showdown."

Abangan ang lahat ng ito mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.