News Releases

English | Tagalog

Anne, magpapatibok ng mga puso sa Cinema One

January 31, 2024 AT 12:46 PM

May movie marathon tampok ang all-time favorite loveteams


Iba’t ibang kwento ng pag-ibig ang handog ng multimedia superstar na si Anne Curtis sa kanyang pagbida sa Blockbuster Sundays ng Cinema One ngayong Pebrero.

Saksihan ang “It’s Showtime” host bilang ang mapangakit na si Kara sa “No Other Woman” (Peb. 4), masayahing party girl na si Mitch sa “When Love Begins” (Peb. 11), matapang na si Morissette sa “The Mall, The Merrier” (Peb. 18), at promo girl na si Sassa sa “Babe, I Love You” (Peb. 25) na mapapanood tuwing Linggo, 7pm.

Bibida rin ang tinaguriang supreme actress na si Lovi Poe sa week-long movie marathon ng Cinema One. Abangan siya sa “Woke Up Like This,” (Peb. 19), “The Significant Other” (Peb. 20), “The Annulment” (Peb. 21), “Shake Rattle & Roll XV” (Peb. 22), at “The Bride and the Lover” (Peb. 23) na eere mula Lunes hanggang Biyernes, 7pm.

Samantala, mga bigating pelikula ang itatampok sa Yes I Do movies ng Cinema One. Balikan ang “Can’t Help Falling in Love” (Peb. 4) nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, “It Takes a Man and a Woman” (Peb. 11) nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, “Bride For Rent” (Peb. 18) nina Kim Chiu at Xian Lim, at “Four Sisters and a Wedding” (Peb. 25) nina Angel Locsin, Bea Alonzo, Toni Gonzaga, at Shaina Magdayao na mapapanood tuwing Linggo, 5pm.

Maghahandog din ang Cinema One ng nakakakilig na Valentine’s treat sa kanilang movie marathon sa Pebrero 14 (Miyerkules) tampok ang ilan sa all-time favorite loveteams. Kiligin sa “Muling Ibalik Ang Tamis ng Pag-ibig” nina Judy Ann Santos at Wowie De Guzman, “Dahil Mahal na Mahal Kita” nina Claudine Barretto at Rico Yan, “Ngayong Nandito Ka” nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales, “Talk Back and You’re Dead” nina Nadine Lustre at James Reid, “Love You to the Stars and Back” nina Julia Barretto at Joshua Garcia, at iba pang romantic films.

Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa Cignal ch. 45, SKYcable ch. 56, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.