News Releases

English | Tagalog

'ASAP NATIN 'TO,' LIVE NA LIVE ANG 2024 SALUBONG TAMPOK ANG BIRTHDAY PASABOG NINA CATRIONA AT FRANCINE PATI SORPRESA NI SARAH G

January 06, 2024 AT 10:15 AM

Abangan ang global Pinoy dance nina AC, Gela, at Gab pati ang madamdaming tribute para sa bagong kasal na sina Robi at Maiqui

Tuloy-tuloy ang salubong sa 2024, tampok ang bigating world-class Pinoy performances at iba pang kaabang-abang na selebrasyon mula sa paborito ninyong Kapamilya artists at all-star guests live ngayong Linggo (Enero 7) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Mas magniningning ang ASAP stage sa pagdating ni Miss Universe 2018 Catriona Gray para ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama sina Gary Valenciano, Martin Nievera, at Ogie Alcasid. Hindi rin pahuhuli sa kanyang pa-birthday ang isa sa pinaka-tinitingalang Kapamilya leading ladies ngayon na si Francine Diaz.

Matapos naman ang kanyang trending ASAP performance, balik-stage muli ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa kanyang panibagong pasabog sa "Sarah G Specials." Damang-dama naman ang pag-ibig sa madamdaming tribute nina Martin, Pops Fernandez, Ogie, at Regine Velasquez bilang pagdiriwang sa pagiisang-dibdib nina ASAP Kapamilya Robi Domingo at Maiqui Pineda.

Ituloy ang New Year party kasama sina Maymay Entrata, Fana, Sheena Belarmino, Joao Constancia, Vivoree, Krystal Brimner, Nina, Edward Barber, at ng buong ASAP family, habang makikisaya rin live si Empoy Marquez.

Damang-dama naman ang senti vibes sa kantahan ng Bicol-based OPM group na Tothapi, tampok ang kanilang trending hit na "Celeste," at hindi rin pahuhuli ang acoustic session nina Alexa Ilacad, Anji Salvacion, Angela Ken, Nyoy Volante, Ice Seguerra, at Yeng Constantino.

Good vibes naman ang hatid ng hatawan ng global Pinoy dance idols na sina AC Bonifacio, Gela Atayde, at Gab Valenciano kasama ang Legit Status at Fresno Style PH. Hahataw rin sina Chie Filomeno at Kim Molina sa kanilang "Clash Dance" tapatan, habang may solo contemporary act naman ang ASAP dance royalty na si Kim Chiu.

May British hits biritan din ang ASAP champions na sina Jona, Jed Madela, Klarisse de Guzman, Jason Dy, Sheryn Regis, Katrina Velarde, Frenchie Dy, JM Yosures, Khimo Gumatay, Reiven Umali, Sam Mangubat, at Elha Nympha.

At abangan ang New Year-inspired kantahan nina Gary V, Martin, Pops, Angeline, Ogie, Regine, Erik Santos, at Angeline Quinto sa "The Greatest Showdown."

Huwag palampasin ang 2024 welcome party na ito mula sa longest-running at musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," live ngayong Linggo, 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.