News Releases

English | Tagalog

Charo, Hilda nanguna sa beauty queens na wagi rin sa showbiz sa "Best 10 Bets"

February 01, 2024 AT 01:52 PM

Top 10 sexy stars, papangalanan
 
Nanguna sina Charo Santos-Concio at Hilda Koronel sa listahan ng top 10 beauty queens na naging matagumpay na artista rin sa pinakahuling episode ng “Best 10 Bets” ng FYE Channel.
 
Si Hilda ang napili ng host na si Butch Francisco habang si Charo naman ang bet ng “Best 10 Bets” co-host na si Leo Katigbak.

 
Ayon kay Butch, naging first runner-up si Hilda sa Miss Night Owl bago niya pinasok ang mundo ng showbiz kung saan tuluyan siyang nagmarka.
 
“Parang 12 years old, nanalo na siya ng FAMAS for the war movie ‘Santiago’  with FPJ. Ngayon, basta pagsinabi mong Hilda Koronel, dekalidad,” saad niya.
 
Samantala, napili naman ni Leo si Charo na naging Miss Calapan at Baron Travel Girl dahil na rin sa naging malaking kontribusyon niya sa movie industry at naabot niya ang posisyon bilang dating presidente ng ABS-CBN. 
 
Ani Leo, “Charo has reached a level that no one has really accomplished. She is also the producer responsible for the very good movies of the experimental cinema in the Philippines.”
 
Nakisaya rin sa “Best 10 Bets” kwentuhan sa unang pagkakataon si Gandang Morenx o Johanna Ariexia Quilinderino, isang dating flight attendant na naging social media influencer. 
 
Para sa bagong co-host ng programa, sina Catriona Gray at Pia Wurtzbach ang mga beauty queens na maituturing niyang bongga ang naging accomplishments sa mundo ng showbiz.
 
Ngayong Sabado (Peb. 3), papangalanan naman ng “Best 10 Bets” hosts ang top 10 sexy stars na nagmarka ang karera. Abangan ito sa FYE YouTube channel tuwing Sabado, 7pm at balikan ang previous episodes nito sa Spotify.
 
Mapapanood na rin sa unang pagkakataon ang “Best 10 Bets” sa Jeepney TV ngayong Linggo (Peb. 4), 4:30pm.  Para sa karagdagang detalye sa “Best 10 Bets,” sundan ang FYE Channel sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.