News Releases

English | Tagalog

Maki, lumibot sa Metro Manila para ipagdiwang ang bagong awitin na "HBD"

February 14, 2024 AT 02:28 PM

Bumisita sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila ang rising singer-songwriter na si Maki upang iparinig ang bagong niyang awitin na “HBD.”
 
Kasama ang life size birthday cake, hinarana ni Maki ang kanyang fans sa UP Diliman, Maginhawa, Manila City Hall, at LRT United Nations southbound station habang namimigay ng balloons at donuts bilang pasasalamat sa kanyang fans.   
 
Kabilang din sa binulaga ni Maki ang paligid ng ABS-CBN Compound para sa promosyon ng kanyang latest single.  
 
Inilabas ni Maki ang “HBD” na may mensahe na pagtanggap sa pagwawakas ng isang relasyon habang inaalala ang kaarawan ng dating iniibig. Isinulat niya ito kasama ang Nameless Kids’ lead vocalist na si Nhiko Sabiniano. 
 
Naging successful ang nakaraang taon para sa Tarsier Records artist matapos niyang ilabas ang debut EP na “Tanong” na umani ng mahigit 75 million streams sa Spotify habang ang bagong awitin niya na “HBD” ay nanguna agad sa Spotify New Music Friday Philippines playlist.
 
Available ang bagong awitin ni Maki na “HBD” sa iba’t ibang music streaming platforms at panoorin ang official visualizer nito sa YouTube. Para sa ibang detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, and YouTube
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.