News Releases

English | Tagalog

Darren, inamin ang nasa puso sa awitin na "Iyo"

February 15, 2024 AT 04:44 PM

Maris at Anthony, nagpakilig sa “Iyo” MV

Nagtapat ng pag-ibig ang Asia’s Pop Heartthrob na si Darren sa bagong awitin na “Iyo” na mula sa soundtrack ng primetime series na “Can’t Buy Me Love.”

Ibinuhos ni Darren ang kanyang damdamin sa awitin na may mensahe ng pagpapahayag ng pagmamahal at pangakong mananatili sa gitna ng iba’t ibang pagsubok sa buhay. Iprinodyus ito ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo habang inareglo naman ito ni Tommy Katigbak at iminaster ni Dante Tañedo.

Unang inawit ni Darren ang Chinese version ng “Iyo” sa “Can’t Buy Me Love” nang haranahin niya ang karakter ni Belle Mariano na si Caroline bilang pag-amin sa kanyang totoong damdamin. 

Bida naman sa music video nito na inilabas sa Valentine’s Day sina Maris Racal at Anthony Jennings na kinaaliwan ng mga manonood bilang Irene at Snoop sa serye.

Noong nakaraang taon, inilabas din niya ang single na “Bibitaw Na” sa ilalim ng Star Music na umani ng mahigit pitong milyong views sa TikTok at 285,000 streams sa Spotify.

Damhin ang matamis na mensahe ni Darren sa bagong awitin na “Iyo” na available sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.