News Releases

English | Tagalog

Senior citizen na beauty queen, ibabahagi ang pageant journey sa "Tao Po"

February 15, 2024 AT 07:27 AM

Mommy vlogger na si Prax Yap, ikukwento ang pagpapalaki ng bata sa digital age ngayong Linggo

 

Kikilalanin ni Bernadette Sembrano si Jocelyn Cubales, ang 69-anyos na beauty queen na nakasali sa top ten ng Miss Universe PH-Quezon City pageant, sa “Tao Po” ngayong Linggo (Pebrero 18).

Ikinuwento ni Jocelyn kay Bernadette kung paano niya napatunayan na age is just a number dahil sa kanyang youthful glow. Ibabahagi niya rin ang kanyang mga adbokasiya para sa Miss Universe PH, na kamakailan lang ay inalis na ang age restrictions para sa mga kandidata.

Bibisitahin naman ang Kapamilya journalist na si Pia Guttierez sa mga viral content creator na sina Mommy Prax Yap at anak na si Marcus sa kanilang tahanan sa Pampanga. Pag-uusapan nina Pia at Prax ang iba't ibang parenting styles at pagpapalaki ng mga bata sa digital age, habang binibigyang-diin  ang tungkol sa mga panganib ng oversharing sa internet.

Samantala, itatampok ni Kabayan Noli De Castro ang mga amputee na sina Marko Yldeso at Bong Marvin Espares na parehong mahilig sa basketball. Ibabahagi nila ang kanilang kuwento mula sa pagiging magkaribal sa loob ng basketball court hanggang sa pagiging matalik na kaibigan sa labas nito, habang binibigyang inspirasyon ang mga manonood sa kanilang determinasyon sa pagpapatuloy ng kanilang minamahal na sport.

Panoorin ang nakakapanabik na mga kuwento ngayong Linggo (Pebrero 18) sa “Tao Po” sa ganap na 2:15 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, ABS-CBN News YT Channel, at sa news.abs-cbn.com/live.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.   

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE