News Releases

English | Tagalog

'ASAP Natin 'To,' maghahatid ng live world-class kasiyahan sa kanilang 29th anniversary

February 02, 2024 AT 05:16 PM

'ASAP Natin 'To' celebrates 29 years of world-class Pinoy entertainment

Celebrate 29 years of non-stop world-class Filipino entertainment from the country's biggest and brightest stars since 1995—LIVE this Sunday in the 29th anniversary edition of "ASAP Natin 'To," 12 NN

Abangan ang pasabog nina Billy at Julia, collab ni Kim at Shaina, OPM icons kantahan, pati pa-birthday ni Martin

Live na live ang engrandeng 29th anniversary celebration ng inyong paboritong weekend viewing habit, hatid ang marami-raming sorpresa at world-class performances mula sa mga naglalakihang Kapamilya stars at guest artists ngayong Linggo (Pebrero 4) sa ASAP 29 edition ng "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Magmula 1995, marami-raming pangarap ang natupad ng ASAP. Kaya naman, may inihandang bigating champions showdown sina Erik Santos, Angeline Quinto, Klarisse de Guzman, Darren, Elha Nympha, Lyka Estrella, Katrina Velarde, Frenchie Dy, Bituin Escalante, Jason Dy, JM Yosures, Khimo Gumatay, JM dela Cerna, at Reiven Umali with special guests Laarni Lozada, Kris Lawrence, at Bugoy Drilon.

Bilang pagkilala sa home ng global Pinoy talents, abangan ang pagbabalik ng internationally acclaimed performer na si Billy Crawford sa ASAP stage kasama sina AC Bonifacio at Sheena Belarmino. Bigay-todo rin ang hatawan nina Gela Atayde, Race Matias, Ken San Jose, Joao Constancia, Aljon Mendoza, Jameson Blake, Jeremy G, BINI at BGYO, pati ang dance royalty collab nina Kim Chiu at Shaina Magdayao.

Patuloy pa rin ang paghahatid nito ng saya sa mga kababayan natin dito at abroad, kaya may inihandang world-class number din ang inyong ASAP Kapamilya, sa pangunguna nina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez kasama sina Janine Gutierrez, Edward Barber, at marami pang iba.

May makapigil-hiningang performance din ang ASAP ladies na sina Vina Morales, Regine Tolentino, Aubrey Miles, Chie Filomeno, at Jane de Leon habang magpapakitang-gilas din sa kantahan ang female icons na sina Pops Fernandez, Jolina Magdangal, Nikki Valdez, Rica Peralejo, Roselle Nava, at Lindsay Custodio.

Damang-dama rin ang inspirasyon sa jamming session nina Ogie, Ice Seguerra, KZ, TJ Monterde, at Yeng Constantino. Babalikan din nina Zsa Zsa, Michael de Mesa, Franco Laurel, Audie Gemora, at Arman Ferrer ang musika ni Barbara Streisand.

Marami-rami pang OPM greats ang tatapak sa ASAP stage, tampok ang Broadway hits tapatan nina Regine, Lara Maigue, Robert Seña, Isay Alvarez, Gian Magdangal, Poppert Bernadas, Jex de Castro, at Markki Stroem kasama ang next-gen theatrical idols na sina Sheena, Krystal Brimner, at Esang de Torres.

Hindi rin pahuhuli sa anniversary celebration si Julia Barretto kasama ang trending OPM band mula Baguio City na Cup of Joe.

At ipagdiwang muli ang kaarawan ng nag-iisang pambansang Concert King na si Martin Nievera kasama sina Pops, Zsa Zsa, Erik, Angeline, Darren, Ogie, Regine, at ang buong ASAP Kapamilya.

Abangan ang lahat ng ito live na live mula sa longest-running at award-winning musical variety sa bansa magmula 1995, "ASAP Natin 'To," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.