News Releases

English | Tagalog

Kwento ng pag-asa at pagbangon ni Jiro Manio, tampok ngayong Linggo sa "Tao Po"

February 02, 2024 AT 12:40 PM

Izzy Lee at Kabayan, handog ang mga kwentong tagos sa puso
 

Makikipag-kumustahan si Bernadette Sembrano sa multi-awarded child star na si Jiro Manio na ngayon ay nagsusumikap upang makabangon sa pagkakadapa sa buhay sa “Tao Po” ngayong Linggo (Pebrero 4).

“Nadapa po talaga ako. Nagkamali po ako. One day at a time, tinutulungan ko ‘yung sarili kong mas maka-recover pa,” kwento ni Jiro kay Bernadette na dati ay nalulong sa masamang bisyo at ngayon ay nagsisilbing inspirasyon sa mga taong tulad niyang nais magbagong buhay.

Samantala, isa ring makabuluhang kwento ang handog ni Kapamilya reporter Izzy Lee sa “Tao Po” dahil itatampok niya ang 19-year-old TikTok content creator na si Erline Grace Maiquis na may kapansanan sa pandinig. Gamit ang kanyang TikTok account na “Deafinitely Beautiful,” natuturuan ni Erline ang TikTok users kung paano gumamit ng sign language at ipabatid ang mga hinaing ng deaf community. Mayroon ng 3.3M likes at 103K TikTok followers si Erline.

Ngayong Linggo, ipapakilala naman ni Kabayan Noli de Castro sa mga manonood ang miniature native house artist na si Darryl Sapunto. Ipapamalas ni Darryl ang galing sa paglikha ng maliliit na bahay kubo sa “Tao Po,” pero hindi perpekto ang tahanan ni Darryl dahil nahiwalay siya sa kanyang nag-iisang anak. Sa episode na ito, gagawa ng paraan si Kabayan Noli para muling magkita ang mag-ama.

Panoorin ang mga kwento ng pag-asa at inspirasyon na ito ngayong Linggo (Pebrero 4) sa “Tao Po” tuwing 2:15 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, ABS-CBN News YT Channel, at sa news.abs-cbn.com.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.   

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE