News Releases

English | Tagalog

"I Am Not Big Bird" ni Enrique, ibabandera na sa Valentine's day

February 02, 2024 AT 03:55 PM

Barkada movie na kinuhanan pa sa Thailand

Kakaibang Enrique Gil ang nagbabalik at maghahatid ng todo-todong good vibes at katatawanan sa inaabangang comeback movie niya na “I Am Not Big Bird” na mapapanood na sa mga sinehan simula sa Araw ng mga Puso (Pebrero 14).
 
“I’m super proud of our film. I just really want to make people laugh and I think it’s the perfect time to comeback, especially with a film like this,” sabi ni Enrique sa naging panayam niya sa Kapamilya Chat.
 
Ginagampanan niya ang papel ni Luis Carpio, na may ‘malaking’ misyon sa Thailand kasama ang ilang kaibigan pagtapos niyang masawi sa pag-ibig. Magugulo ang plano niya dahil sa kasamaang palad ay mapagkakamalan siya bilang ang sikat na Thai adult video star na si ‘Big Bird.’
 
Ayon sa Kapamilya actor, nagustuhan niya agad ang konsepto ng pelikula dahil ito rin ang tipo ng palabas na gusto niyang panoorin.  
 
Aniya, “I am a huge fan of comedy films, those 90s, early 2000s comedies, some of the US comedies, na hindi ko talaga nakikita na o napapanood. To be able to do a film like this here in the Philippines, I just had to do it.”
 
Tampok rin sa barkada movie na nagbabalik sa dekada ‘90 sina Pepe Herrera, Nikko Natividad, at Red Ollero na makakasama ni Enrique sa riot na pagdadaanan niya sa Bangkok.
 
“Dito mo makikita, it’s not about manhood or having a chick, it’s really about keeping your friends,” sabi ng manunulat ng pelikula na si Lilit Reyes sa ginanap na The Big Media Conference
 
“It’s more of a self-discovery along with rediscovering friendship na mga nakalimutan mo na. Para siyang pagtanda at pag-develop ng isang lalaki during that time sa mga na-experience niya sa Thailand,” ayon naman sa isa pang writer ng pelikula na si Joma Labayen.
 
Mula sa direksyon ni Victor Villanueva ang “I Am Not Big Bird” na collaboration project ng Black Sheep, Anima Studios, at Immerse Entertainment.
 
Para sa updates, sundan ang Black Sheep sa Facebook (@BlackSheepABSCBN), InstagramTiktok, at Twitter (@black_sheepph), at YouTube (@BlackSheepPH), Anima sa social media accounts nito @animastudiosph, at Immerse sa Instagram @immerse.entertainment.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookTwitterInstagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.