News Releases

English | Tagalog

Cookies ni Dawn Chang, itatampok ni Migs Bustos sa "My Puhunan"

February 23, 2024 AT 11:01 AM

Karen, kikilalanin ang dating pahinante ng bus na nagsimula sa farming gamit ang P500 
 

Ang Kapamilya artist na si Dawn Chang, kina-career ang pagnenegosyo ngayon!

Aalamin ni Migs Bustos kung paano sinimulan ni Dawn ang “DC Delights,” ang cookie business na sinimulan niya noong pandemya, sa “My Puhunan” ngayong Sabado (Pebrero 24).

Dahil hilig ni Dawn ang pagkain ng cookies noong nasa Australia pa siya, nag-aral siya ng baking at naisipan itong gawing negosyo. Pinatikim niya noon ang kanyang cookies sa mga kapwa artista na sila mismong nag-udyok sa kanya na ibenta ang kanyang produkto. Ngayon, may sarili nang commissary, kiosk at stalls sa iba’t ibang business establishments ang “DC Delights.”

Samantala, kikilalanin naman ni Karen Davila si Archie King Macapagal, na isang pahinante ng bus noon na ngayon ay matagumpay na bilang hydroponics farmer.

Nang mawalan si Archie ng trabaho noong pandemya, nagdesisyon siyang pasukin ang hydroponic farming, sa payo na rin ng kanyang brother-in-law, na natutunan niya dahil sa panonood ng videos online. Sa halagang P500, napalago niya ang kanyang pagtatanim sa bahay at ngayon ay nag-aalok na rin siya ng farming supplies at trainings para sa mga gustong sumubok rin sa negosyong ito.

Abangan ang mga kuwento ng tagumpay sa “My Puhunan: Kaya Mo!” kasama sina Karen Davila at Migs Bustos tuwing Sabado ng 5:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live, at iba pang ABS-CBN News online platforms.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.