News Releases

English | Tagalog

Neeyong, naglabas ng debut single na "Agos ng Tugtog"

February 23, 2024 AT 10:17 AM

Neeyong drops debut single "Agos ng Tugtog"

The 12-year-old artist composed his first music release.

Ang pinakabagong artist ng StarPop

Ipinakilala ng Kapamilya record label na StarPop ang kanilang bagong young artist na si Neeyong na naglunsad ng kanyang debut rap single na “Agos Ng Tugtog.”

Isinulat ng 12-anyos na si Neeyong at iprinodyus ni StarPop label head Roque “Rox” Santos ang kanta na tungkol sa pagpawi ng musika sa mga alalahanin sa buhay.

“Gusto ko na iparating sa mga tao na kaya nating makaraos sa kahit anong problema basta kasama natin ang musika, basta’t makinig lang tayo sa agos ng tugtog lahat ng nararamdaman natin ay mawawala,” ani Neeyong.

Patuloy si Neeyong o Jose Neo Ambert Nabus sa paghubog ng talento sa musika sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga awitin at pagtugtog ng gitara.

“Natuklasan ko ang aking talento sa musika noong ako ay 10 years old. Nakikinig ako ng iba’t ibang musika at dahil doon sinusubukan kong magsulat ng mga kanta hanggang sa tumagal na ay natuto na ako mag-record,” saad niya.

Bago siya maging recording artist, ipinamalas niya ang talento sa pag-awit sa iba’t ibang school events at bilang guest performer sa iba’t ibang concerts. Ilan sa kanyang musical influences ay sina Gloc 9, Shanti Dope, Flow G, Hellmerry, Eminem, Tupac, Michael Jackson, at Snoop Dog.

Mapapakinggan ang debut single ni Neeyong na “Agos Ng Tugtog” simula ngayong Biyernes sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE