News Releases

English | Tagalog

Jason Dy, maglalabas ng bagong single na "Magsabi Ka Lang"

February 29, 2024 AT 10:43 AM

Jason Dy delves into uncertainties of relationship in new single "Magsabi Ka Lang"

Jason Dy releases an anthem for confusing relationship and situationship. Check out "Magsabi Ka Lang" on various digital streaming platforms.

Mapait ang kwentong pag-ibig na hatid ng Kapamilya artist na si Jason Dy sa kanyang bagong dance-pop single na “Magsabi Ka Lang” na mapapakinggan na simula ngayong Miyerkules (Marso 6).
 
Isinulat ni Jason ang awitin kasabay ng mga kantang “Gusto Ko Pa” at “Ulit-Ulit” na sumasalamin sa unti-unting paglipas ng pag-ibig.
 
“‘Magsabi Ka Lang’ is part of a series of songs that I wrote together with my previous releases ‘Gusto Ko Pa’ and ‘Ulit-Ulit’ that are kind of representations of the stages of grief. Grief in the sense of a dying relationship. ‘Gusto Ko Pa’ is about denial, ‘Ulit-Ulit’ is on anger and ‘Magsabi Ka Lang’ is bargaining,” saad ni Jason.
 
Ibinahagi ng singer-songwriter ang kanyang upcoming single sa social media na may caption na, “Kung ayaw mo na, magsabi ka lang.”
 
Noong nakaraang taon, inilabas ni Jason ang awiting “Ulit-Ulit” bilang unang single niya sa ilalim ng Star Music. Bagong musika at concert tours ang ihahandog niya ngayong taon kasabay ng pagiging hurado sa bagong season ng “Tawag ng Tanghalan.”
 
“I’m hoping to release more singles and collaborate with other artists. I just recently became a hurado on “Tawag ng Tanghalan” which is super fun. Kind of like a full circle moment. And we’re cooking up some concert tours with fellow Cornerstone artists here and abroad,” ani Jason.
 
Sa nalalapit na ika-10 taon niya sa industriya, puno ng pasasalamat ang pagbabalik-tanaw ni Jason sa kanyang pagkapanalo sa “The Voice Philippines” season 2 noong 2015.
 
“The journey has been nothing short of amazing. I’m going into my 10th year in the business and it still feels like ‘The Voice’ happened yesterday. I’m just very thankful that I get to do what I do and there are people out there who continue to support me,” sabi niya.
 
Mapapakinggan ang bagong single ni Jason na “Magsabi Ka Lang” ngayong Miyerkules sa iba’t ibang digital music streaming platforms at panoorin ang official lyric video nito sa YouTube. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa FacebookX (Twitter)InstagramTikTok, at YouTube.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookX (Twitter)Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.