News Releases

English | Tagalog

Sarah G at Billy, may kaabang-abang na collab sa 'ASAP Natin 'To,' may live solo act pa mula kay SB19 idol Justin

February 29, 2024 AT 09:48 PM

Sarah G and Billy light up the 'ASAP Natin 'To' stage, SB19's Justin brings a fresh treat live

Get ready for an ASAP exclusive collab of Sarah G and Billy Crawford, plus a new solo single treat from SB19's Justin LIVE this Sunday on "ASAP Natin 'To," 12 NN

May pasabog din mula kina Janella, Loisa, at Morissette

Bigay-todo ang salubong sa March ng inyong paboritong weekend party, hatid ang ASAP exclusive collab ng dalawa sa bigating total performers ngayon at marami pang fresh pasabog mula sa inyong paboritong stars live ngayong Linggo (Marso 3) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Matapos ang ilang taon, magsasama muli sa ASAP stage ang dalawa sa tanyag na Pinoy total performers ngayon, tampok ang bigating collab nina Popstar Royalty Sarah Geronimo at international dance/pop idol Billy Crawford sa panibagong edisyon ng "Sarah G Specials."

Hindi naman pahuhuli ang tinitiliang P-Pop idol na si Justin ng SB19 sa kanyang live first-time ASAP performance ng kanyang new solo single na "Surreal." May pasabog din ang paborito ninyong Kapamilya leading ladies, tampok ang "Clash Dance" tapatan ni Loisa Andalio kasama si Chie Filomeno, at ang total act ni Janella Salvador kasama sina Kyle Echarri, Gela Atayde, Ken San Jose, Jameson Blake, Jeremy G, at Joao Constancia.

Magbibigay-pugay naman sa husay at giting ng mga kababaihan sina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Erik Santos, Angeline Quinto, Vina Morales, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, at ang buong ASAP Kapamilya sa kanilang women empowerment act ngayong Women's Month. Makiki-party rin ngayong Linggo sina Robi Domingo, Shanaia Gomez, at Edward Barber.

May senti kantahan din sa acoustic jamming nina Anji Salvacion, Kice, Angela Ken, Jeremy G, pati Yeng Constantino, at maki-awit din sa classic hits tapatan ng ASAP champions na sina Jona, Jed Madela, Klarisse de Guzman, Bugoy Drilon, Sheryn Regis, Frenchie Dy, Bituin Escalante, Katrina Velarde, JM Yosures, Reiven Umali, Sam Mangubat, at Lyka Estrella.

Tuloy-tuloy ang all-star women empowerment act ng inyong ASAP Kapamilya, tampok ang divas biritan nina Regine, Zsa Zsa, Vina, Bituin, at Frenchie, pati ang pagbabalik ng Asia's Phoenix na si Morissette.

At balikan ang musika ni Nonoy Zuñiga sa kanyang "The Greatest Showdown" kantahan kasama sina Gary V., Zsa Zsa, Martin, Erik, Angeline, Ogie, at Regine.

Abangan ang lahat ng ito mula sa sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.