News Releases

English | Tagalog

Fana, inilunsad ang "Love Story Ko" music video tampok sina Lorna, Lito

February 05, 2024 AT 10:54 AM

Love story ng PriManda bida sa MV


Inilabas ng Kapamilya artist na si Fana ang music video para sa kanyang awitin na “Love Story Ko” tampok ang “FPJ’s Batang Quiapo” stars na sina Lorna Tolentino at Lito Lapid.

Kapansin-pansin ang chemistry ng mga beteranong aktor bilang Amanda (Lorna) at Primo (Lito) sa nasabing hit primetime series, kaya naman napili ang tambalang PriManda para sa proyektong ito.

Inilunsad ni Fana ang kanyang modern rendition ng Gloc-9 hit na “Love Story Ko” noong nakaraang taon. Iprinodyus ito ni Inspire Music label head at creative consultant na si Jamie Rivera at isinulat nina A. Polisco at Christian Martinez.

“Sobrang gaan katrabaho ni Ms. Jamie at nagustuhan ko yung song dahil Gloc-9 is one of the artists I look up to rin kaya masaya ako na ito yung naibigay sa akin na kanta,”  saad ni Fana.

Panoorin ang “Love Story Ko” music video ni Fana na available sa ABS-CBN Star Music YouTube channel at pakinggan ang awitin sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.