News Releases

English | Tagalog

'Sexy Babe' Cianne, umaasa sa pag-ibig sa debut single na "Traffic"

March 11, 2024 AT 02:00 PM

'Sexy Babe' Cianne plays the waiting game in debut single "Traffic"

"It's Showtime" host Cianne makes her official debut as a recording artist with first single "Traffic."

Mula sa komposisyon ng kanyang “It’s Showtime” co-host na si Teddy Corpuz

Ganap na recording artist na ang “It’s Showtime” host at dating “Sexy Babe” contestant na si Cianne Dominguez matapos niyang ilunsad ang kanyang debut single na “Traffic.”
 
Inihalintulad niya ang paghihintay sa pag-ibig sa mabagal na usad ng trapiko sa pamamagitan ng awitin na isinulat at iprinodyus ng Rocksteddy lead vocalist na si Teddy Corpuz.
 
“Sa interpretation ko doon sa song nakikita ko yung situationship lalo na nauuso ito ngayon. Nasa isang situationship ka na walang usad, walang nangyayari. Naiinip na sa kakahintay ng label sa kung anong meron kayo,” saad ni Cianne.
 
Nagpasalamat din siya kay Teddy na gumabay sa recording session para sa kanyang unang single.
 
“Sobrang smooth and chill ng jamming namin ni Kuya Teddy. Super happy rin ako kasi ako yung naisip niyang kumanta ng song niya and at the same time super thankful din kasi nabigyan ako ng ganitong opportunity,” kwento ng baguhang singer.
 
Mula sa kanyang pagkabata, pangarap na ni Cianne ang maging isang mang-aawit na nagtulak sa kanya upang sumali rin sa “Tawag ng Tanghalan” at iba pang singing competitions.
 
“Noong bata palang ako hilig ko na talaga sumali sa singing contests and lagi ako and yung family ko kumakanta sa church. Nag-try rin ako sumali sa ‘Tawag ng Tanghalan’ before kasi gusto ko talaga mag-pursue ng singing lalo na pangarap ko rin makasama sa mga play,” aniya.
 
Bukod sa pag-awit, naipamalas din niya ang talento sa pagsayaw at komedya sa iba’t ibang segments ng “It’s Showtime” tulad ng “Girl On Fire” at “Isip Bata.” Ilan naman sa itinuturing niyang musical influences ay sina Idina Menzel at Lea Salonga.
 
Pakinggan ang debut single ni Cianne na “Traffic” na available na sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE