News Releases

English | Tagalog

Sharon, Sarah G, Kim at Bini, magpapakitang-gilas sa ‘ASAP Natin To’ stage ngayong Women’s Month

March 14, 2024 AT 10:11 AM

Abangan ang exciting performances mula sa Kapamilya artists ngayong Linggo
 

Maki-saya at maki-indak kasama sina Sharon Cuneta, Sarah Geronimo, Kim Chiu, BINI, at iba pa ngayong Linggo (Marso 17) sa pagdiriwang ng "ASAP Natin 'To" ng Women's Month sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 

Maki-sayaw kasama ang Billboard Women in Music Global Force awardee na si Sarah, sa kanyang dance performance ng "Dance The Night" ni Dua Lipa at ang "Lose Control" ni Teddy Swim. Abangan rin si Megastar Sharon sa kanyang pagkanta ng OPM hits kasama sina Martin Nievera, Gary Valenciano, at Ogie Alcasid. 

Magpapabilib naman si Kim sa kanyang contemporary performance ng “Never Enough,” habang papaunlakan naman ng Nation’s Girl Group na BINI ang mga manonood sa performance nito ng kanilang viral hit song na “Pantropiko” sa “ASAP” stage. 

Abangan ang star-studded performance mula kina Martin, Ogie, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Pops Fernandez, Vina Morales, Darren Espanto, Klarisse De Guzman, Shaina Magdayo, Kim, Janine Gutierrez, KZ Tandingan, Yeng Constantino, AC Bonifacio, Elha Nympha, Lyka Estrella, Jason Dy, JM Yosures, Khimo, Frenchie Dy, Bituin Escalante, Katrina Velarde, JM Dela Cerna, Reiven Umali, Jeremy G, Kyle Echarri, Chie Filomeno, Joao Constancia, Jameson Blake, Aljon Medoza, BGYO, BINI, Gela Atayde, Sheen Belarmino, Krystal Mejes, Lara Maigue, at Edward Barbers. Makakasama rin nila ang ‘90s stars na sina Jolina Magdangal, Nikki Valdez, Rica Peralejo, Roselle Nava, at Lindsay Custodio. 

Maki-kanta sa Pinoy band hits kasama sina Martin, Regine, Ogie, Zsa Zsa, Bituin, at Erik. Susundan naman ito ng mga kanta ni Elton John handog ng mga singing champion na sina Jed Madela, Angeline Quinto, Morisette, Jona, Klarisse, Fana, Annrain, Khimo, JM, Sam Mangubat, Lyka, Marielle Montellano, Bituin, Sheena, at Lara. 

Isang nakaka-akit na dance performance ang hatid ni Enrique Gil at nakaka-kilig na panghaharana ang dapat abangan mula kay Donny Pangilinan. Tuloy-tuloy ang kilig kasama ang BGYO, na kakantahin ang kanilang bagong kanta na "Patintero," panoorin din sina Kyle, Jeremy, at Jason awitin ang viral hit song na "Ere." 

Isang malaking dance party rin ang magaganap ngayong Linggo kasama sina AC, Darren, Gela, Jameson, at Sheena na magpapakitang-gilas sa kanilang galing sa pagsasayaw sa entablado, habang magsasama-sama sina Vina, Chie, Regine Tolentino, Jane De Leon, at Aubrey Miles para sa isang ultimate dance showdown. 

Abangan rin ang iba pang biritan sa En Vogue hits collab kasama ang “ASAP” divas na sina Regine, Vina, Sheryn, Frenchie, and Bituin. 

Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.