News Releases

English | Tagalog

Darren, magpapakitang-gilas sa Araneta para sa 10th anniversary concert na "D10"

March 15, 2024 AT 03:18 PM

Ipagdiriwang ng Asia’s Pop Heartthrob na si Darren ang kanyang ika-10 anibersaryo sa industriya sa “D10” concert na magaganap sa Hunyo 1 (Sabado) sa Araneta Coliseum.
 
Inanunsyo ito ni Darren sa “ASAP Natin ‘To” noong Linggo pagkatapos ng performance niya ng latest single na “Iyo” na mula sa soundtrack ng “Can’t Buy Me Love.”
 
Mabibili na ang tickets para sa inaabangang concert sa Ticketnet outlets at ticketnet.com.ph sa halagang P8,004 (Platinum), P6,404 (VIP), P4,269 (Patron A), P2,668 (Patron B), P2,135 (Lower box), P1,068 (Upper box), at P427 (General admission).
 
Unang nakilala si Darren nang sumali siya sa first season ng “The Voice Kids Philippines” kung itinanghal siyang runner-up sa ilalim ng coach na si Sarah Geronimo. Nagtuloy-tuloy ang tagumpay niya sa musika nang sumikat ang mga awitin niya tulad ng “Dying Inside To Hold You,” “In Love Ako Sa’yo,” at “7 Minutes.” Nakapaglabas din siya ng dalawang platinum albums na pinamagatang “Darren” at “Be With Me.” Noong nakaraang taon, inilabas ng multi-awarded artist ang kanyang unang single sa ilalim ng Star Music na “Bibitaw Na.”
 
Pinasok din niya ang pag-arte at napabilang sa cast ng blockbuster film na “The Hows of Us” at iWantTFC series na “Lyric and Beat.” Kasalukuyan siyang napapanood bilang Stephen sa hit primetime series ng ABS-CBN na “Can’t Buy Me Love.”
 
Huwag palampasin ang “D10” concert ni Darren na gaganapin sa Hunyo 1 sa Araneta Coliseum. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE