News Releases

English | Tagalog

Kapamilya stars, wagi sa 2nd Laurus Nobilis Media Excellence Awards ng LPU-Cavite

March 18, 2024 AT 02:41 PM

Kapamilya stars win big in the 2nd Laurus Nobilis Media Excellence Awards of LPU-Cavite

Kapamilya stars were cited for mastery in their craft as they were recognized in the 2nd Laurus Nobilis Media Excellence Awards of Lyceum of the Philippines University-Cavite (LPU-Cavite).

Melai, forever grateful sa mga taong tumulong sa kanya bilang host
 

Pinarangalan ang ilang Kapamilya stars para sa kanilang husay at talento sa ikalawang Laurus Nobilis Media Excellence Awards ng Lyceum of the Philippines University-Cavite (LPU-Cavite).

 

Kinilala sina Melai Cantiveros at Luis Manzano bilang Female and Male Outstanding Entertainment Hosts, habang ang “Linlang” star na si Paulo Avelino ang tinaguriang Outstanding TV Actor.

 

Nagpasalamat si Melai sa kanyang mga boss, mga katrabaho, co-hosts, fans, at asawa na walang sawang sinuportahan siya sa kanyang pagiging host.

 

“Sobrang thankful ako sa [kanila] dahil ang pagiging host naman ay hindi lang ikaw eh, kapag may mga co-host ka tulungan kayong lahat,” ani ng host ng “Magandang Buhay.”

 

Samantala, nanalo bilang Outstanding Female and Male Brand Endorsers ang Star Magic artists na sina Kathryn Bernardo at Donny Pangilinan. Sa kabilang banda, panalo naman bilang Outstanding Female Music Performer ang “ASAP Natin ‘To” artist na si Moira dela Torre.

 

Pinarangalan din ang mga bida ng “Rewind” na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang pagganap sa box-office movie, kung saan nasungkit nila ang Media Excellence in Film (Male & Female).

 

Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom