News Releases

English | Tagalog

Primetime shows ng ABS-CBN nakakuha ng higit 168 milyong views sa Kapamilya Online Live noong Pebrero 2024

March 19, 2024 AT 12:52 PM

Tutukan gabi-gabi ang “FPJ’s Batang Quiapo,” “Linlang,” at “Can’t Buy Me Love”

Siksik sa gigil at kilig ang primetime shows ng ABS-CBN matapos itong makakuha ng 168,944,336 total views sa Kapamilya Online Live para sa buwan ng Pebrero 2024. 

Tuloy-tuloy ang maaaksyong tagpo ni Tanggol (Coco Martin) sa “FPJ’s Batang Quiapo” ngayon na mataas ang tsanya niyang makalaya sa kulungan. Dahil dito, determinado siyang makakuha ng hustisya para sa pagkamatay ni Mokang at susubukan din niyang magbagong-buhay sa tulong ni Bubbles (Ivana Alawi).

Ibang level na rin ang gigil sa “Linlang: The Teleserye Version” dahil buntis si Juliana (Kim Chiu) at si Alex (JM de Guzman) ang ama! Maitatago kaya nila ang katotohanan mula kay Victor (Paulo Avelino) o patuloy nilang paiikutin ang ulo nito?

Kilig na kilig naman ang mga manonood ng “Can’t Buy Me Love” dahil mas lalong lumalim ang relasyon nina Caroline (Belle Mariano) at Bingo (Donny Pangilinan). Kasabay nito, unti-unti na silang napapalapit sa katotohanan tungkol sa pagkamatay ng nanay ni Caroline na maaaring makaapekto sa kanilang samahan. 

Available sa Kapamilya Online Live ang pinakahuling episodes ng iba’t ibang programa ng ABS-CBN kung saan live at on-demand itong napapanood sa Philippines, Asia, Europe, Australia, at New Zealand sa YouTube ng ABS-CBN Entertainment, ang nangungunang YouTube channel sa buong Southeast Asia. Available rin ang Kapamilya Online Live livestream sa Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE