News Releases

English | Tagalog

Janella, inilunsad ang comeback single na "headtone"; naghahanda na para sa "Reimagined" concert

March 19, 2024 AT 10:52 AM

Nagbabalik sa music scene si Janella Salvador at unang patikim niya ang awiting “headtone” na tungkol sa init ng damdamin na dala ng pag-ibig.

Inilunsad niya ang latest Star Music release isang buwan bago ang kanyang solo concert na tinawag na “Janella Reimagined: The 10th Anniversary Concert” na magaganap sa Abril 19 (Biyernes) sa New Frontier Theater kasama ang special guests na sina Martin Nievera, Jane De Leon, Marlo Mortel, Darren, Jenine Desiderio, Arizona Brandy, Brigiding, Lady Morgana, at Miss Jade So.

Excited na nga ang Kapamilya actress-singer na ibida sa “Reimagined” ang kanyang bagong tunog.

"I was thinking of the best title. I was thinking kung ano ba talaga ako as a person, as an artist, and I realized that I'm someone who doesn't like to be put in a box. I feel like there's so many things that I can do that I haven't been able to show yet," ani Janella sa naging panayam niya sa ABS-CBN News.

Mabibili ang tickets sa Ticketnet outlets at ticketnet.com.ph sa halagang P6,000 na may kasamang meet and greet at poster (Platinum), P4,500 (SVIP), P3,500 (VIP), P2,500 (Orchestra), P1,700 (Loge), at P1,200 (Balcony). Ang “Reimagined” concert ay hatid ng ABS-CBN Events, ABS-CBN Music, Star Music, Star Magic, at Mentorque Productions.

Pakinggan ang comeback single ni Janella na “headtone” sa iba’t ibang digital streaming platforms at panoorin ang kanyang all-out performances sa “Janella Reimagined” na gaganapin sa Abril 19 sa New Frontier Theater. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.