News Releases

English | Tagalog

“What’s Wrong with Secretary Kim” nina Kim at Paulo, Mapapanood na rin sa U.S. at Canada via iWantTFC

March 19, 2024 AT 09:46 AM

Kim and Paulo’s “What’s Wrong with Secretary Kim” to Stream via iWantTFC in the U.S. and Canada

New episodes every Mon, Tue, and Wed

Mapapanood na ng mga Pilipinong nasa Amerika at Canada ang Philippine adaptation ng “What's Wrong With Secretary Kim” na co-production ng ABS-CBN at Viu dahil magiging available na ito sa subscribers ng iWantTFC, the home of Filipino stories, sa dalawang bansa na nagsimula nung Marso 18. 
  
Sa pilot week, mapapanood agad ang unang limang episode ng romantic-comedy series bilang espesyal na handog sa mga standard at premium subscribers ng platform. Samantala, may bagong episodes naman ng serye na ipapalabas tuwing Lunes, Martes, at Miyerkules simula Marso 25. 

Sinusundan ng “What’s Wrong With Secretary Kim” ang kwento ng mahusay na sektretarya na si Secretary Kim (Kim Chiu) at ang perpekto niyang boss na si BMC (Paulo Avelino). Unti-unti nilang madi-diskubre na in love sila sa isa’t isa nang biglang mag-resign si Secretary Kim mula sa kanyang posisyon.
 
Kasama rin sa serye na mula sa direksyon ni Chad V. Vidanes sina Jake Cuenca, Janice De Belen, Romnick Sarmenta, Angeline Quinto, Pepe Herrera, Franco Laurel, JC Alcantara, Kaori Oinuma, Gillian Vicencio, Yves Flores, Cai Cortez, Phi Palmos, Kat Galang, at Brian Sy, kasama ang special participation ng Korean actor na si Kim Won Shik. 

Upang mag-sign up para sa isang account, bisitahin ang discover page ng iWantTFC.

Abangan ang lahat ng iyong paboritong tatak Pinoy na mga pelikula at serye sa pamamagitan ng iWantTFC app (iOS at Android) at sa website nito (iwanttfc.com). 

Para sa iba pang mga detalye, i-follow ang iWantTFC sa FacebookXInstagram, at YouTube
  
Para naman sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
 
###
 
MEDIA CONTACTS:
 
TONICHI P. TATARO
ABS-CBN Corporate Communications
Public Relations Manager
TPTataro@abs-cbn.com
https://www.abs-cbn.com/newsroom
 
NERISSA FERNANDEZ
ABS-CBN International
Global Head, Corporate Affairs & PR
Regional Head, North & Latin America Corp Affairs & PR
nerissa_fernandez@abs-cbn.com
https://mytfc.com