News Releases

English | Tagalog

Viral Star Magic promposal nina Harvey at Criza, umabot ng 1.3M views

March 08, 2024 AT 09:03 AM

Star Magical Prom live na mapapanood sa Star Magic YouTube channel

Viral ngayon sa TikTok ang Star Magical promposal ng rising love team nina Harvey Bautista at Criza, o CrizVey, matapos itong humakot ng 1.3 milyong views. 

Umaapaw ang kilig ng netizens sa mala-fairytale na promposal ni Harvey kung saan siya mismo ang tumulong at nag-effort na sorpresahin si Criza ng isang romantic at enggrandeng dinner date.

Bukod sa CrizVey, inilabas na rin sa Star Magic YouTube channel ang iba pang nakakakilig na promposal videos nina Francine Diaz at Seth Fedelin, Vivoree at Brent Manalo, Kei Kurosawa at Krstyl Ball, Beaver Magtalas at Mutya Orquia, at Josh Worsley at Reich Alim.

Dapat din abangan ng fans ang iba pang bonggang promposals ng Star Magic artists, pati na rin ang official soundtrack para sa Star Magical Prom na ilalabas sa mga susunod na araw. 

Samantala, maaaring ipakita ng fans ang kanilang suporta para sa kanilang paboritong artista sa pagboto sa Star Magical Prom Royalty Awards sa KTX.ph kung saan mayroon itong apat na kategorya - Prom King and Queen, Noble Prince and Princess, Royal Prince and Princess, at Charming Prince and Princess.

Huwag palampasin ang Star Magical Prom at panoorin ang livestream nito sa Star Magic YouTube channel ngayong Marso 14 (Huwebes).

Abangan ang iba pang pasabog para sa Star Magical Prom sa pag-follow sa @starmagicphils sa Facebook, X, Instagram, Tiktok, at YouTube. 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE