News Releases

English | Tagalog

Joshua Garcia, Janella Salvador magsasamang muli sa isang sizzling dance performance sa 'ASAP Natin To' stage

March 08, 2024 AT 10:17 AM

Regine, Martin, Zsa Zsa, at Ogie, sasamahan ang legendary singer na si Celeste Legaspi ngayong Linggo

 

Humanda sa nakakakilig na pagsasama nina Joshua Garcia at Janella Salvador sa entablado para ihatid ang kanilang fresh dance performance ngayong Linggo (Marso 10) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Ipagdiwang ang OPM kasama ang mga ‘ASAP’ icons na sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Erik Santos, at Angeline Quinto na aawit kasama ang legendary na mang-aawit at performer na si Celeste Legaspi, na bibigyan ng tribute para kanyang musika at ilang dekada nang karera sa industriya.

Makikanta at makisayaw sa Janet Jackson hits na ihahatid nina Gary Valenciano, Martin, Regine, Ogie, Zsa Zsa, Vina Morales, Erik, Angeline, Jona, Jason Dy, Janella, Klarisse De Guzman, Jeremy G, Maymay Entrata, AC Bonifacio, Sheena Belarmino, at Darren Espanto kasama ang birthday girl na si Alexa Ilacad. Makikisaya rin si Edward Barbers at Robi Domingo kasama ang ‘ASAP’ family.

Abangan rin ang mga nakakaantig na pagtatanghal ng mga singing champion na sina Jed Madela, Jona, Klarisse, Sheryn Regis, Bituin Escalante, Frenchie Dy, Katrina Velarde, Bugoy Drilon, JM Yosures, Lyka Estrella, Reiven Umali, at JM Dela Cerna ngayong Linggo.

Tuloy-tuloy na makihataw kasabay ang mga dance idol na sina Maymay, AC Bonifacio, Ken San Jose, Gela Atayde, Jeremy, Jameson Blake, Race Matias, at Joao Constancia. Susunod pa ang kaabang-abang na performance nina Jackie Gonzaga at dating Sexbomb dancer na si Jopay Paguia na maghaharap para sa isang dance battle.

Damhin ang senti vibes kasama ang mga singer-songwriter na sina Gary, Nyoy Volante, Anji Salvacion, Jeremy G, at Barbie Almalbis na nagdadala ng mga espesyal at orihinal na performances. Dagdag pa sa mga kamangha-manghang mang-aawit na ito ay sina Morisette Amon, Anji, Darren, at Ferdinand Aragon.

Ihanda ang sarili para sa ultimate ‘biritan’ kasama ang ‘ASAP’ divas na sina Regine, Zsa Zsa, Butuin, Frenchie, at Jona ngayong Linggo.

Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.