News Releases

English | Tagalog

iWantTFC, hatid ang mainit-init na picks ngayong tag-init

April 12, 2024 AT 04:27 PM

iWantTFC brings its hot, must-watch picks to stream this summer

Catch all these and more for free and on-demand on iWantTFC via its official app (iOS and Android) or website (iwanttfc.com)

Mapapanood nang libre at on-demand sa iWantTFC app at website 

Mas damang-dama ang summer sa hatid na title picks ng iWantTFC, ang home of Filipino stories, tampok ang mga serye at pelikulang swak ngayong tag-init na mapapanood nang libre at on-demand. 

Mapapa-beach ang mga manonood sa iWantTFC originals na "Beach Bros" nina Kyle Echarri at Chie Filomeno, at horror island series na "Fractured" ng tambalang Francine Diaz at Seth Fedelin. 

Todo-kilig naman ngayong tag-init ang hatid ng ilang summer iWantTFC picks, tulad ng Kapamilya classic na "Tabing Ilog," ang mainit-init na romansa nina Gerald Anderson at Yam Concepcion sa "Init sa Magdamag," at ang nag-trending na BL reality dating series na "Sparks Camp." 

Maliban pa rito, mas iinit pa ang summertime viewing ng mga manonood sa mga pelikulang tampok ngayong buwan sa iWantTFC, tulad ng sexy comedy hit na "Abay Babes," intense island affair sa "Sin Island" nina Xian Lim, Coleen Garcia, at Nathalie Hart, pati ang ganda ng isla ng "Siargao" nina Jericho Rosales at Erich Gonzales. 

Swak din sa tag-init ang nakaaaliw na tambalan nina Gerald at Arci Muñoz sa lovers-turned-friends comedy-drama na "Can We Still Be Friends," at ang generational love story nina Piolo Pascual, Coleen Garcia, at Dawn Zulueta sa "Love Me Tomorrow."

At dahil getaway season ang tag-init, perfect din sa summer viewing ang hatid na lifestyle shows ng iWantTFC—tampok ang magagandang mga beach resort sa Pinas at abroad sa "Beached," masayang food trip kasama ang kinagigiliwang stars sa "The Crawl," at ang hidden gem Pinoy destination adventures nina Robi Domingo at Sue Ramirez sa iWantTFC original travel series na "Unlisted." 

Lahat ng ito, libreng mapapanood sa iWantTFC sa official app nito (iOS at Android) at website (iwanttfc.com). 

Marami-rami pang summer picks ang hatid ng iWantTFC ngayong Abril sa ilang curated selections nito, tulad ng "Hot Bods," "April Fresh Finds," "Destination, Love" at iba pa. 

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.   

Para sa ibang detalye tungkol sa iWantTFC, i-follow ang iWantTFC sa Facebook, X, Instagram, at YouTube. 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.