News Releases

English | Tagalog

"headtone" music video ni Janella, may 100K views sa YouTube

April 19, 2024 AT 10:03 AM

Janella, may 265K monthly listeners sa Spotify

Umani na ng mahigit 100,000 views sa YouTube ang “headtone” music video ni Janella Salvador sa loob lamang ng tatlong linggo.

Ipinakita ni Janella ang kanyang sultry side sa MV na sa kanya mismo nanggaling ang concept. Tampok dito ang Kapamilya actor na si Jake Ejercito na gumanap bilang leading man ni Janella.

Samantala, napili ng Kapamilya singer ang “headtone” bilang kanyang comeback single dahil sa jazz sound nito na nais niyang maipakita sa kanyang musika.

“When I heard ‘headtone’ I fell in love instantly because it’s the exact vibe that I wanted and I love jazz even when I was young. It really speaks to me so I wanted to make jazz more accessible to the modern crowd,” saad ni Janella.

Nakapasok ang “headtone” sa top 5 ng iTunes PH at naging bahagi rin ito ng Spotify New Music Friday Philippines, OPM Rising, Fresh Finds, at R&B playlist. May 75,000 streams na ang kanta sa Spotify habang nakamit naman ni Janella ang halos 265,000 monthly listeners sa nasabing platform.

Napapanood na ngayon sa mga sinehan sa bansa ang pelikula niya kasama ang Thai actor na si Win Metawin na “Under Parallel Skies.”

Pakinggan ang latest single ni Janella na “headtone” na available sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.


 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE