News Releases

English | Tagalog

Gary, Regine, Kim, Darren, Maymay, Alexa, BINI, at iba pa, hatid ang ‘90s Throwback Performances Sa “ASAP Natin To”

April 20, 2024 AT 01:20 AM

'90s singing icons Smokey Mountain, Wency Cornejo tampok sa  “ASAP” ngayong Linggo
 

Damhin ang nostalgia ngayong weekend dahil sa mga showstopping na ‘90s inspired performance ng mga Kapamilya artist ngayong Linggo (Abril 21) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Maghanda para sa pangmalakasang throwback opening number tampok ang iba’t ibang ‘90s hit songs kasama sina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Vina Morales, Darren Espanto, Maymay, Janella Salvador, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Jona, Klarisse De Guzman, Kyle Echarri, Sina Alexa Ilacad, Anji Salvacion, Sheena Belarmino, Jeremy Glinoga, Jason Dy, Bituin Escalante, Frenchie Dy, Sheryn Regis, JM Yosures, at Reiven Umali. 

Abangan ang Nation’s Girl Group BINI na kakanta ng kanilang pre-debut single at electro-pop remake ng hit song ng Smokey Mountain na “Da Coconut Nut.” Bukod dito, maghahatid rin ng fresh renditions ng iba pang kanta ng Smokey Mountain ang Kapamilya singing champions na sina Jed Madela, Jona, Klarisse, Jason, Sheryn Regis, Bituin, Frenchie, Katrina Velarde, Sheena, Elha Nympha, Bugoy Drilon, JM Yosures, Reiven, JM Dela Cerna kasama ang mismong mga miyembro ng banda na sina Geneva Cruz at Jeffrey Hidalgo.

Ipagpatuloy ang ‘90s trip sa isang nakaka-excite na all-star dance performance kasama sina Joshua Garcia, Maymay, Gela Atayde, Race Matias, at Ken San Jose. Subaybayan din ang isang epic dance clash kasama sina AC Bonifacio at Chie Filomeno.

Magbibigay rin ng bonggang concert performance si Mr. Pure Energy Gary V tampok ang mga nostalgic na international hits sa “ASAP” stage.

Bibigyang pugay rin ng “ASAP” ang ‘90s OPM singers and bands sa pamamagitan ng awitin na hatid ng singing divas na sina Regine, Zsa Zsa, Nina, at Klarisse ng “Now That I Have You” ng The Company. Magpapabilib rin sa kantahan sina Martin, Ogie at Erik kasama ang mga balladeer na sina Chad Borja, Rannie Raymundo, at Richard Reynoso. Mapapakinggan naman ang mga awitin ni Wency Cornejo kasama sina Gary, Zsa Zsa, Ogie, Angeline, Erik, Martin, at Regine.

Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom