News Releases

English | Tagalog

"Tawag Ng Tanghalan" at "Idol PH" winners, sanib pwersa para sa kauna-unahang concert of the champions na "New Gen Champs"

April 23, 2024 AT 12:43 PM

Dating Top 16 members ng Dream Maker, makakasama rin…

 

Magsasama-sama ang mga kampeon ng “Tawag Ng Tanghalan” at "Idol Philippines" para sa isang pasabog na gabi ng pagtatanghal sa kauna-unahang concert of the champions na “New Gen Champs” sa Abril 27 (Sabado), 8 p.m., sa Music Museum.

Tinguriang “New Gen Champs” sina JM Yosures, Reiven Umali, Khimo,  JM dela Cerna,  Marielle Montellano, Lyka Estrella, at Rea Gen Villareal na lahat ay naging kampeon ng “Tawag Ng Tanghalan” sa “It’s Showtime" at "Idol Philippines." 

Makakasama rin nila sa entablado ang mga Kapamilya singer na sina Erik Santos at Katrina Velarde, na naging bahagi rin ng mga reality talent show ng ABS-CBN na “Star In A Million” at “X Factor Philippines.”

Samantala, huwag din palampasin ang performance mula sa grupong WRIVE na binubuo ng dating Top 16 members ng pinaka-unang survival reality show ng bansa na “Dream Maker” na sina Asi Gatdula, Ishiro Incapas, Russu Laurente, Drei Amahan, at Mathew Cruz.

Makikita rin ng fans ang sneak peek ng Polaris-Star Magic Digital Catalogue na nagtatampok ng New Gen Champions at WRIVE.

Abangan ang mga paboritong Polaris artist sa iba pang paparating na Star Magic event na “All Star Games” kasama ang “It’s Showtime” family at “Hot Summer 2024.”

Para sa iba pang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE