News Releases

English | Tagalog

Star Cinema and The IdeaFirst Company, inanunsyo ang comeback movie ni Vice Ganda na "And The Breadwinner Is"

April 24, 2024 AT 10:27 PM

Nagbabalik pelikula ang Asia’s Unkabogable Phenomenal Superstar Vice Ganda sa "And The Breadwinner Is" na ikinasaya ng fans. 

Excited at masaya si Vice sa unang kolaborasyon ng Star Cinema at The IdeaFirst Company. Ito rin ang kauna-unahang pagsasanib-pwersa ni Vice at award-winning direktor na si Jun Robles Lana. 

“First time naming magsasama and ang saya saya ko talaga. Highlight ito ng career ko hindi lang this year, pero ng movie career ko. Isa ito sa pinakamalalaking highlights,” aniya.  

Lubos ang kasiyahan ni Jun na makatrabaho si Vice at ipinapangako niya na magkahalong saya, drama, at makapagdamdaming eksena ang mararanasan ng manonood.  

“It is everything na inaantay ng mga tao sa isang pelikula ni Vice, yung nakakatawa at riot na comedy and so much more. Kung nakita natin si Vice magpatawa, makikita rin natin siya mangurot ng mga puso," sabi niya.

Pangarap ni Vice na makagaw ng isang makabuluhang pelikulang pang-international at tatatak sa mga manonood at naniniwala siyang maisasakatuparan ito sa proyekto nila ni Jun.

"Nagkaroon na ako ng fair share sa box office kahit paano. Gusto ko magkaroon sa filmography ko yung inilaban sa international film festival. Dream ko 'to. I have been praying for a movie na may internal value. Di ba meron din mga pelikula na hindi tumabo sa takilya pero has an internal value sa Philippine cinema at sa kamalayan ng mga taong nakapanood sa kanya. Dumarating ang panahon na binabalikan siya dahil sa uri ng pelikula niya. I want to experience that now," pagbabahagi niya. 

Ayon sa writers ng pelikula na sina Daisy Cayanan Mijares at Jumbo Albano, iikot ang kwento ng pelikula sa buhay ng isang breadwinner.  Ang pelikula ay magsasalamin sa mga pinagdadaanan, pagmamahal, at pangarap ng mga breadwinner para sa kanilang pamilya.

Bago pa inanunsyo ang bagong pelikula, nagpasalamat muna si Vice sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya kaya naman nakuha niya ang titulong Highest-Grossing Filipino Movie Actor of all time na may 4.6 billion total gross. 

Nang tanungin si Vice kung sino ang makakasama niya sa pelikula, sinabi niyang magiging parte ng cast ang co-host niya sa "It' s Showtime" na si Jhong Hilario.

Huwag palampasin ang updates tungkol sa "And The Breadwinner Is" at i-follow ang social media accounts ng Star Cinema. 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE