News Releases

English | Tagalog

Bago maging SnoRene: iWantTFC, tampok ang best of Maris Racal at Anthony Jennings

April 04, 2024 AT 10:24 AM

Before they were SnoRene: iWantTFC features the best of Maris Racal and Anthony Jennings

Catch Maris and Anthony's notable shows for free on the iWantTFC app (iOS and Android) and its official website (iwanttfc.com)

Mapapanood nang libre at on-demand sa official iWantTFC app at website 

Damang-dama ang SnoRene fever nina Anthony Jennings at Maris Racal sa iWantTFC, ang home ng Filipino stories—tampok ang kani-kanilang mga kinagiliwang mga serye at pelikula na pumatok sa madla na mapapanood din nang libre. 

Bago pa man makilala bilang ang maarteng socialite na si Irene Tiu sa ongoing hit primetime serye na "Can't Buy Me Love," naipamalas ni Maris sa publiko ang kanyang husay sa pag-arte mapa-comedy, drama, romance, o horror.   

Ibibida sa iWantTFC ang kanyang notable roles sa iba't ibang genre, kabilang ang pagiging aspiring social media personality sa "I'm Ellenya L.," ang kanyang mga bitter hugot sa pag-ibig sa iWantTFC original na "The Goodbye Girl," at ang kagimbal-gimbal niyang thriller role sa pelikulang "Bloody Crayons."   

Samantala, itatampok din sa iWantTFC ang mga palabas ng rising actor na si Anthony na kilala rin na ½ ng SnoRene tambalan bilang kwelang rakitero na si Snoop Manansala.   

Palabas na on-demand ang kanyang breakout role sa youth-oriented iWantTFC original na "Tara, G!" habang tampok din ang isa sa early acting credits niya sa original comedy anthology series na "Touch Screen" at ang kanyang pagsabak sa action sa primetime hit noon na "The Iron Heart."   

Lahat ng ito, libreng mapapanood sa iWantTFC sa pamamagitan ng official app nito (iOS at Android) pati website (iwanttfc.com).    

Maliban sa mga ito, patuloy pa ring mapapanood ang kanilang SnoRene loveteam sa "Can't Buy Me Love," na mapapanood ang bagong episodes 48 hours in advance sa iWantTFC. 

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.  

Para sa ibang detalye tungkol sa iWantTFC, i-follow ang iWantTFC sa Facebook, X, Instagram, at YouTube

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.