News Releases

English | Tagalog

Cast ng "Can't Buy Me Love", sasabak sa exciting challenges sa bagong Made-For-YouTube series

April 04, 2024 AT 09:20 AM

SnoRene, sasagutin ang mga tanong ng fans sa drinking game challenge

 

Magbibigay-saya ang cast ng hit series na “Can't Buy Me Love” sa mga manonood dahil kanilang pagsabak sa nakakatuwa at nakaka-excite na mga hamon sa bagong Made-For-YouTube series na “Can’t Buy Me Love All Access” na mapapanood nang libre worldwide sa ABS-CBN Entertainment YouTube Channel simula Abril 4 (Huwebes).

Tampok sa eight-part digital series sina Maris Racal, Anthony Jennings, Chie Filomeno, Albie Casino, Kaila Estrada, Joao Constancia, Vivoree, Gello Marquez, at Alora Sasam.

Sa unang episode na ipapalabas sa Abril 4 (Huwebes), maghaharap sa isang masayang drinking game ang trending tandem na sina Anthony at Maris, na gumaganap bilang Snoop at Irene sa serye, habang sinasagot ang mga nakakagulantang na tanong mula sa mga fan.

Sa iba pang mga episode, maglalaban-laban ang mga miyembro ng cast, na ipapangkat sa dalawang team na Team Aircon at Team Kanal, sa Chinese parlor at street games. Mas lalo ring mapapalago ang kanilang kaalaman sa Chinese culture dahil tuturuan silang gumawa ng dumplings at chao fan rice, mag-mukbang ng Chinese food, sumubok ng Kung Fu at marami pang iba.

Maaaring abangan ng mga manonood ang mga bagong episode tuwing Lunes at Huwebes simula 6pm sa buong buwan ng Abril.

Samantala, huwag palampasin ang mga matitinding episode sa DonBelle-starrer series dahil mas napapalapit na si Caroline (Belle Mariano), sa tulong ni Bingo (Donny Pangilinan), sa pagdiskubre sa pumatay sa kanyang inang si Divine (Shaina Magdayao).

Mapapanood ang “Can’t Buy Me Love” sa nang live sa Kapamilya Online Live sa YouTube o on-demand on ABS-CBN Entertainment YouTube Channel.

Abangan ang premiere episode ng "Can't Buy Me Love All Access" sa Huwebes (Abril 4) sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Para sa iba pang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE