News Releases

English | Tagalog

Multiplatinum American singer na si Max Schneider, makiki-duet kay Alexa Ilacad sa "ASAP Natin 'To"

April 05, 2024 AT 03:29 PM

Melai Cantiveros at Loisa Andalio, magdiriwang ng mga kaarawan at showbiz anniversary ngayong Linggo
 

Maghahatid ang American singer-songwriter na si Max Schneider ng eksklusibong performance ng kanyang TikTok viral song na “Stupid In Love” kasama ang Kapamilya actress na si Alexa Ilacad ngayong Linggo (Abril 7) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Isang masayang weekend ang naghihintay para sa birthday girls na sina Melai, na nagdiriwang ng kanyang ika-15 taon sa industriya at sasayaw ng isang K-Pop dance kasama ang kanyang mga anak na sina Stela at Mela, at Loisa, na ipadiriwang ang kanyang ika-10 anibersaryo ng showbiz sa pamamagitan ng isang espesyal na P-Pop dance number.

Magsisimula pa lang ang party kasama ang Kapamilya artists na sina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Vina Morales, Erik Santos, Jed Madela, Darren Espanto, Yeng Constantino, Jona, Jolina Magdangal, Maymay, Klarisse De Guzman, Jason Dy, AC Bonifacio, Alexa, Bituin Escalante, Frenchie Dy, Jeremy Glinoga, Kyle Echarri, Sheena Belarmino, Robi Domingo, at Edward Barbers  sa selebrasyon ng ika-30 anibersaryo ng The Filipino Channel (TFC) sa “ASAP” stage. 

Samantala, maghahatid si Mr. Pure Energy Gary V ng kamangha-manghang performances kasama sina Ogie, Yeng, at Jolina para sa kanyang pinakahihintay na concert comeback.

Abangan naman ang nakakatuwang dance performance ng Kapamilya heartthrobs na sina Joshua Garcia, Darren, Jameson Blake, Joao Constancia, Jeremy G, at Kyle Echarri. Makakasama rin nila ang mga dancing stars na sina AC, Gela Atayde, at Ken San Jose. Magpapatuloy ang party vibes sa isang nakakmanghang clash dance sa pagitan nina Maymay at Jane Oineza.

Saksihan ang mas nakakabagbag-damdaming pag-awit ng OPM hits ng '80s band na Neocolours kasama ang mga “ASAP” icon na sina Gary, Regine, Zsa Zsa, Ogie, Martin, at Erik. Magpapasiklaban naman ang mga singing champion na sina Jona, Jed, Jason, Klarisse, Frenchie, Sheryn Regis, Lyka Estrella, Marielle Montellano, JM Yosures, JM Dela Cerna, Khimo, at Reiven Umali.

Hindi naman magpapahuli ang singing divas na sina Regine, Zsa Zsa, Vina, Bituin, at Frenchie sa pag-awit ng mga kanta ng Paraokya ni Edgar. Itatampok din ng “ASAP” ang isang fresh performance mula sa bagong artist na si Aila Santos.

Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.