News Releases

English | Tagalog

Bagong resto ni Ryan Bang, bibisitahin ni Karen sa "My Puhunan"

April 05, 2024 AT 05:52 PM

Karen features Ryan Bang's new resto in "My Puhunan"

“It’s Showtime” host Ryan Bang welcomes Karen Davila to Paldo, his new Korean fine dining restaurant in Quezon City, where he shares more about why he decided to enter the food business in “My Puhunan” this Saturday (April 6).

Migs, dadayo sa Hira Childfood Playfarm sa Rizal

Nakakatakam na K-Food ang handog ni Karen Davila ngayong Sabado (Abril 6) sa “My Puhunan” sa kuwentuhang mukbang kasama si Ryan Bang sa kanyang Paldo Korean Fine Dining Restaurant, kung saan ikinuwento niya kung bakit nga ba niya naisipang pasukin ang larangan ng negosyo.
 
Sa episode, inalala ni Ryan ang kanyang buhay sa South Korea at ang dahilan kung bakit siya lumipat sa Pilipinas. Bukod dito, ibinahagi rin ni Ryan kay Karen ang iba pa niyang negosyo na kanyang pinagkakaabalahan bukod sa matagumpay niyang showbiz career.

Samantala, naghananap ba kayo ng summer destination kasama ang inyong buong pamilya? Tara at magbiyaheng Jala-jala, Rizal naman tayo with Migs Bustos para dayuhin ang Hiraya Childhood Playfarm ni Edeline Payawal. Ayon kay Edeline, ang kanyang masayang childhood memories ang naging motibasyon niya upang gawing isang malawak na play farm ang kanilang ari-arian. Umaasa rin siya na maranasan ng mga kabataang lumaki ngayon sa social media ang nakagisnan ng mga bata noon na maglaro sa labas ng tahanan.
 
Huwag palampasin ang mga kuwentong tagumpay sa “My Puhunan: Kaya Mo!” kasama si Karen Davila at Migs Bustos na ipinapalabas tuwing Sabado ng 5:00 ng hapon sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live, at iba pang online platforms ng ABS-CBN News.


Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE