News Releases

English | Tagalog

Star Cinema at GMA Pictures, sanib-pwersa para sa "Hello, Love, Again"

May 19, 2024 AT 06:30 PM

Star Cinema and GMA Pictures team up for "Hello, Love, Again"

Kathryn Bernardo and Alden Richards will be reprising their well-loved characters, Joy and Ethan, in the much-awaited "Hello, Love, Goodbye" sequel

Kathryn at Alden, gaganap muli bilang Joy at Ethan
­
Sa isa na namang makasaysayang kolaborasyon, magsasama sa unang pagkakataon ang Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Pictures para sa “Hello, Love, Again,” ang pinaka-inaabangang sequel ng blockbuster hit na “Hello, Love, Goodbye.”
 
Muling gagampanan ng ABS-CBN star na si Kathryn Bernardo at GMA artist na si Alden Richards ang minahal na karakter nina Joy at Ethan sa “Hello, Love, Again.” Nagbabalik din ang box office hit film director na si Cathy Garcia-Sampana upang pangunahan ang bagong pelikula na kukunan naman ngayon sa Canada.
 
Magsisimulang ipalabas ang pelikula sa Pilipinas sa Nobyembre 13, 2024 at susundan ito ng international releases.
 
Naganap ang film announcement noong Linggo (Mayo 19) kasama ang mga opisyal ng ABS-CBN at GMA. Kabilang dito sina ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN chief operating officer Cory Vidanes, ABS-CBN Film Productions head Kriz Gazmen, at GMA Films president at CEO Atty. Annette Gozon-Valdes.
 
Patuloy ang Star Cinema sa paghahatid ng mga inspiring na kwento ng mga Pilipino at pagbibigay-liwanag sa buhay ng mga Pilipino na nakatira at naghahanap-buhay sa abroad sa pamamagitan ng iba’t ibang makabuluhang pelikula. Ilan dito ang “Anak,” “Barcelona: A Love Untold,” “Caregiver,” “Dubai,” “In The Name of Love,” at “Milan.” Ang Star Cinema rin kasama ang APT Entertainment at Agosto Dos Pictures ang nagprodyus ng highest-grossing Filipino film of all time na “Rewind.”
 
Samantala, ng GMA Pictures naman ang nasa likod ng mga ‘di malilimutang pelikula kung saan tampok ang mga nakapupukaw na kwentong panlipunan ng mga Pilipino. Ito ang nasa likod ng critically acclaimed films na “Muro Ami” at “Deathrow,” historical drama na “Jose Rizal,” at blockbuster hits tulad ng “Let The Love Begin” at “Ang Panday.” Noong nakaraang taon, inilabas nito ang pelikulang “Firefly” na nagwagi bilang Best Picture sa 2023 Metro Manila Film Festival.