Jodi, Toni, at Sharon, magpapasaya sa "Showbiz Pa More" ngayong Mayo

May 02, 2019 AT 11:57 AM

Jodi, Toni, and Sharon on "Showbiz Pa More" this May

On its first anniversary, “Showbiz Pa More” airs ‘Thank You, Ma’ specials, with Toni Gonzaga, Sharon Cuneta, and Jodi Sta. Maria as special guests.

Mga nanay, kikilalanin ng Jeepney TV sa “ThankYouMa specials
 
Ipagdiriwang ng Jeepney TV ang lahat ng mga nanay sa pagtatampok nito sa ilang paboritong celebrity moms sa talk show na “Showbiz Pa More” para sa buwan ng Mayo.
 
Sa pagdiriwang ng ikaunang aniberasyo ng “Showbiz Pa More,” handog nito ang ‘Thank You, Ma” specials kasama ang mga bisitang sina Toni Gonzaga, Sharon Cuneta, at Jodi Sta. Maria.
 
Makikipagtalakayan ang host na si DJ Jhai Ho sa “Home Sweetie Home” lead star at ina ng dalawang taon na si Seve sa Linggo (Mayo 5).
 
Uupo naman sa “Showbiz Pa More” hot seat ang Megastar sa ika-12 ng Mayo upang magbahagi ng kwento tungkol sa kanyang bagong pelikula at buhay bilang ina sa kanyang mga anak na sina KC, Frankie, Miel, at Miguel. 
 
Sa ika-19 ng Mayo, si Jodi naman ang bibisita at magbabahagi ng kanyang buhay bilang nanay ni Thirdy at ng kanyang excitement sa bago niyang crime drama sa ABS-CBN, ang “Sino Ang May Sala? Mea Culpa.”
 
Sa susunod na araw (Mayo 20), magbabalik rin ang Kapamilya actress sa primetime ng Jeepney TV sa pinaka-inaabangang premiere ng “Be Careful With My Heart” Book 2.
 
Abangan sina Toni, Sharon, at Jodi sa “Showbiz Pa More,” umeere tuwing Linggo, 4pm. Magsisimula na ang Book 2 ng “Be Careful With My Heart” sa darating na Mayo 20 (Lunes), 6pm.
 
Mapapanood angJeepney TV sa ABS-CBN TVplus channel 11, SKYcable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9.Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE