ALAMIN: Iba't ibang sanhi ng paghina ng pandinig

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Iba't ibang sanhi ng paghina ng pandinig

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - May iba't ibang dahilan kung bakit humihina ang pandinig ng isang tao, ayon kay Dr. Joy Celyn Ignacio na isang ear, nose, and throat specialist.

EDAD

Ayon kay Ignacio, isa sa pangunahing dahilan ng paghina ng pandinig ay ang edad, na nagsisimula pagtuntong ng edad na 50.

"Habang tumatanda dumarami ang exposure natin sa... medications na nakakasira sa pandinig, exposure sa noise, tapos iba pang mga sakit gaya ng chronic kidney disease," paliwanag ni Ignacio .

GAMOT

May mga gamot din na maaaring makapagpahina ng pandinig.

ADVERTISEMENT

Kabilang dito ang ilang antibiotic at mga gamot para sa malulubhang sakit gaya ng tuberculosis o kaya cancer.

Ito aniya ang dahilan kung bakit isinasailalim pa sa hearing test ang ilang pasyente bago painumin ng ilang klase ng gamot.

SAKIT

Maaari ring humina ang pandinig kapag may sakit, ayon kay Ignacio.

Isa rito ang sipon na naging malubha at naging viral infection kalaunan.

"Usually connected siya... Nagkakaroon ng pressure changes sa tainga at inflammation na nagko-cause ng ear infection dahil pareho lang naman ang lining ng ear sa nose," ani Ignacio.

Kaya payo niya: "Kapag mayroon kang sipon at sumakit ang tainga mo magpakonsulta ka sa doktor dahil more or less infection iyan."

Kapag hindi agad natugunan aniya, maaaring humina ang pandinig at magresulta sa pagkabingi.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.