Dahil sa pang-aabuso: Mga OFW, bawal muna lumipad pa-Kuwait
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dahil sa pang-aabuso: Mga OFW, bawal muna lumipad pa-Kuwait
ABS-CBN News
Published Jan 19, 2018 11:01 PM PHT
|
Updated Jul 12, 2019 01:17 PM PHT

Tuluyan nang nagpatupad ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng deployment ban para sa mga overseas Filipino workers na nais magpunta ng Kuwait.

Ito'y matapos ang sunod-sunod na pagkamatay ng mga OFW na umano'y biktima ng pang-aabuso, na nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte.

"We have lost about four Filipino women in the last few months. It's always in Kuwait...My advise is we talk to them, state the truth, and just tell them that it's not acceptable anymore. Either we impose a total ban or we have a correction," pagbabanta ni Duterte.

Nauna nang inalmahan ng mga recruitment agency at OFW ang nasabing ban.
Nauna nang inalmahan ng mga recruitment agency at OFW ang nasabing ban.
ADVERTISEMENT
Hindi daw solusyon ang deployment ban dahil mamamayagpag lang ang mga illegal recruiter dahil marami pa ring Pilipino ang magpupumilit pumunta ng Kuwait.

"Kung gusto niyo ng moratorium, mahuhuli niyo ba lahat ng illegal recruiter? Mabibigyan ba ang mga tao ng trabaho?" ani Amanda Araneta, presidente ng Philippine Association of Agencies for Kuwait (PHILAAK).

Sa tala ng PHILAAK, dalawang porsiyento lang ng kanilang deployment ang nagkaroon ng problema sa employer o nagreklamo ng pang-aabuso.

Sa tala rin ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) hanggang 2015, pang-lima ang Kuwait sa mga pangunahing destinasyon ng mga OFW.

Ayon sa PHILAAK, mas dapat paigtingin ng pamahalaan ang mga bilateral agreement na magbibigay ng mas matinding proteksyon sa mga OFW sa lahat ng panig ng mundo.

Online portal
Samantala, inilunsad ng DFA ang isang online portal para sa mga recruitment agency upang mas mabilis makakuha ng passport appointment ang mga first time OFWs.
Maghahati-hati ang 170 accredited recruitment agencies sa 1,000 slots bawat araw.

Bahagi ito ng pangako ng pamahalaan na bawasan ang hirap ng mga OFW sa pagproseso ng mga papeles.

"Sa sistema ngayon, ang lahat ng agencies na accredited and then ang POEA sa direct hire ay may password at meron silang direktang access a portal na ito," paliwanag ni Cayetano.

Hindi naman mapagbibigyan ng DFA ang hiling ng mga accredited travel agencies na ibalik ang 1,000 appointment slots na dating nakalaan para sa kanilang mga kliyente.

Paliwanag ni Cayetano, prayoridad sa ngayon ang mga may pahintulot ng batas gaya ng OFWs, senior citizens, persons with disability (PWD), at iba pa.
Pag-aaralan ng DFA na dagdagan ang oras ng trabaho ng mga empleyado sa mga consular at satellite offices mula 12-16 na oras.
--Ulat nina Zen Hernandez at Willard Cheng, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
TV Patrol
Kuwait
OFW
deployment ban
Department of Foreign Affairs
DFA
Alan Peter Cayetano
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT