OFW arestado matapos mapatay sa saksak ang katrabaho sa Saudi | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

OFW arestado matapos mapatay sa saksak ang katrabaho sa Saudi

ABS-CBN News

Clipboard

JEDDAH, Saudi Arabia - Arestado ang isang overseas Filipino worker (OFW) matapos niyang mapatay sa pananaksak ang katrabahong Tunisian national sa Jeddah, Saudi Arabia.

Tubong Laguna ang 48-anyos na OFW na 9 na taon nang nagtatrabaho bilang kitchen staff sa isang hotel sa Jeddah. May asawa ito at anak.

Ayon kay Consul General Edgar Badajos ng Philippine Consulate General in Jeddah, base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente noong Hulyo 20 nang papasukin sa trabaho ang OFW sa araw na siya ay naka-day off.

"According to his fellow workers, nagreport itong si kababayan, irritated. Kasi nga naka-off duty siya, pinareport siya," aniya.

ADVERTISEMENT

Dagdag ni Badajos, nagkasagutan umano ang 2 na nauwi sa panununtok hanggang sa masaksak ng OFW ang kaniyang katrabaho.

Depensa naman ng OFW, nauna siyang sinuntok sa ulo ng Tunisian.

"And defense ng ating kababayan ay self-defense kasi nga sinuntok siya sa ulo eh," ani Badajos.

Nakatutok ang konsulado sa kaso at binibigyan ng legal na tulong ang OFW.

"Ang aming message to the family at sa ating mga kababayang sumusubaysay sa kasong ito, of course we are providing assistance to our kababayan, giving him legal representation to ensure he will get a fair trial," ani Badajos.

ADVERTISEMENT

Ayon sa konsulado, may 4 na witness na Pinoy na kapwa katrabaho ng OFW ang nakakita sa insidente.

Kasalukuyang nakakulong ang OFW habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Sa batas ng Saudi Arabia, maaaring hatol na kamatayan ang parusa sa kasong pagpatay. - ulat nina Charles Tabbu at Sherwin Zuniga, ABS-CBN Middle East News Bureau

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.