Marc, Kolette, Kanata, Dylan, at Patrick/Dingdong, nanganganib sa PBB Gen 11 double eviction | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Marc, Kolette, Kanata, Dylan, at Patrick/Dingdong, nanganganib sa PBB Gen 11 double eviction
Entertainment.ABS-CBN.com
Published Aug 07, 2024 01:52 AM PHT
|
Updated Aug 07, 2024 08:23 AM PHT

Opisyal nang nakabalik sa outside world ang "Determined Daughter ng Camarines Sur" na si Therese Villamor matapos maunang mapalabas sa bahay ni Kuya sa nagdaang live eviction night ng "Pinoy Big Brother Gen 11" nitong Sabado (Agosto 3).

Si Therese ang may pinakakaunting nakalap na combined votes to save at evict, with 16.22%, habang ligtas naman sina Dylan Yturralde (40.06%) at Noime Steikunas (22.57%).

Sa kabila ng kanyang maagang pag-alis sa bahay ni Kuya, baon umano niya paglabas ang saya at mga leksyong natutunan bilang housemate.

Samantala, inanunsyo kamakailan ang dalawang bagong housemates na sasabak din sa PBB Gen 11, na sina "Prodigal Bai ng Cebu" Jan Silva at ang "Anakabogerang Influencer ng Mandaluyong City" Fyang Smith.

Pinakilala na rin ang limang nominadong haharap naman sa double eviction sa darating na Sabado (Agosto 10) na sina Marc Nanninga Jr., Kolette Madelo, Kanata Tapia, 2-in-1 housemates Dingdong Bahan at Patrick Ramirez, pati muli si Dylan Yturralde.

Sa mga nais bumoto, i-download at mag-sign up nang libre sa Maya app, ang official voting partner ng PBB Gen 11. I-tap lang ang PBB icon sa app para makaboto ng mga nominadong housemate na nais nilang ma-save o evict, at pwedeng bumoto ng 10, 50, o 110 votes na ibabawas sa Maya wallet. Pwedeng makaboto ng 15 beses kada araw.

Sa pagpapatuloy ng kanilang paninirahan sa bahay ni Kuya, hangad muli ng housemates na maipagpatuloy ang kanilang pagkapanalo matapos silang magpunyagi sa kanilang Pinoy Big Babies weekly task.

Pero sa pagdating ng bagong housemates na sina Jan at Fyang, ano kaya ang mga task na naghihintay sa kanilang pagpasok? At sino-sino naman kina Marc, Kolette, Kanata, Dingdong/Patrick, at Dylan ang susunod kay Therese sa outside world?

Abangan sa "Pinoy Big Brother Gen 11" tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:15 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

Mapapanood din ito tuwing Sabado at Linggo, 8:30 PM saKapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC, at 9:30 PM sa TV5.

Read More:
ABS-CBN
ABS-CBN Entertainment
Entertainment
Determined Daughter ng Camarines Sur
Therese Villamor
Pinoy Big Brother Gen 11
pbb gen 11
pbb gen 11 first evictee
Pinoy Big Brother Gen 11 housemates
pbb Gen 11 housemates
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT