1 patay, 5 nasagip sa pagkalunod sa Oriental Mindoro

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1 patay, 5 nasagip sa pagkalunod sa Oriental Mindoro

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

Isang bata ang nasawi habang limang iba pa ang nasagip matapos na malunod habang naliligo sa dagat sa Kabilang Ibayo Beach sa Pola, Oriental Mindoro, nitong Sabado.

Nagtulong-tulong ang mga residente sa pagsagip sa mga nalulunod pero dead on arrival na sa pagamutan ang isang Grade 6 pupil na babae.

Isinugod naman ng mga rescue team sa Oriental Mindoro Community Hospital sa bayan ng Pinamalayan ang 4 pang bata at kanilang 40 taong gulang na tiyuhin.

Ayon kay Johnny Genabe, head ng Pola Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, sa inisyal na imbestigasyon ay napapunta sa malalim na bahagi ng dagat ang mga biktima.

ADVERTISEMENT

Napag-alaman na dayo lamang sa bayan ng Pola ang mga biktima na taga-Brgy. Bagsok sa bayan ng Socorro.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.