Utang ng umano'y mastermind sa pagpatay sa mag-asawa, aabot sa P27M | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Utang ng umano'y mastermind sa pagpatay sa mag-asawa, aabot sa P27M
Gracie Rutao,
ABS-CBN News
Published Oct 17, 2024 06:52 PM PHT

Mistulang nabunutan ng tinik sa dibdib ang pamilya Lulu sa pagkaaresto ng pitong suspek sa pagpatay sa mag-asawang online seller na sina Arvin at Lerma Lulu.

“Wala na yung ate at kuya ko, hindi na natin sila maibabalik pero, kahit papaano po yung healing po alam ko po na nagsastart na sa family namin,” sabi ni Alyssa Lulu, kapatid ng biktima.

Pinagbabaril ang mag-asawa ng dalawang salarin habang sakay sila ng pickup sa may bahagi ng Mexico, Pampanga noong October 4.

Ang masakit para sa pamilya, nalaman nila na ang itinuturong mastermind ng krimen ay kaibigan mismo ng mag-asawa at ninong pa ng kanilang 6-taong-gulang na anak.

“May anak ka rin, ang mangyari sa mga anak mo yun, ano kaya ang magiging pakiramdam mo, mararamdaman mo kung gaano kasakit ang mawalan ng anak, lalong lalo na mabait yung anak ko, tinulungan na kayo, nabankrupt kayo tinulungan kayo,” pahayag ni Alicia Lulu, ina ng biktima.

Nakaligtas sa pangyayari ang anak ng mag-asawa kasama ang isa pang menor de edad na noo'y nakasakay sa likuran ng sasakyan.

Ngayong Huwebes ng umaga, dumayo sa kapitolyo ang pamilya Lulu.

“Maraming maraming salamat po, habang buhay naming tatanawin na utang na loob yung ginawa niyo pong suporta at pagtulong nyo po sa amin,” saad ni Alyssa Lulu habang kausap si Pampanga Governor Dennis Pineda.

Samantala, nasampahan na ng pormal na reklamong double murder ang pitong nahuling suspek.
Samantala, nasampahan na ng pormal na reklamong double murder ang pitong nahuling suspek.
ADVERTISEMENT
Ayon pa sa Pampanga Police, lumalabas na hindi lang P13 milyon ang pagkakautang ng mastermind sa pinatay na mag-asawang online seller kundi aabot pa ito sa P27 milyon.

“Kagabi din po namin nalaman, we thought na P13 million nung ifinile po natin yung inquest kahapon, may inihabol pa po yung pamilya na cheque na issued sa pangalan po ng babae, amounting lahat po ah, a total of P27 million," saad ni P/Col. Jay Dimaandal, Provincial Director ng Pampanga Provincial Police Office.

Sinampahan na rin ng kasong double murder maging ang asawa ng mastermind.

“Hinihintay lang po natin na lumabas yung warrant of arrest at sa instructions po ng ating mahal na governor rest assured din po na makukuha din natin yan,” dagdag ni Dimaandal.

“Paglabas nung warrant, i'll make sure na talaga pong tututukan namin para mahuli po kagad itong mastermind na isa pa... Commitment first dun sa bata, sa pamilya, first security ng both families then yung security ng bata,” pagtitiyak ni Pineda.

Ayon pa sa pulisya, una nang inamin ng mga nahuli na nasangkot na sila sa higit 12 gun-for-hire activities sa Nueva Ecija, Pampanga at Bataan, kaya makikipag-ugnayan ang Pampanga LGU sa bagong talagang kalihim ng Department of Interior and Local Government na si Jonvic Remulla, para tututukan din ang pagkalat ng loose firearms at gun-for-hire syndicates sa Region 3 na posibleng maglipana habang papalapit ang 2025 midterm elections.