Pagsabog ng Taal, tanaw mula sa iba't ibang lugar | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagsabog ng Taal, tanaw mula sa iba't ibang lugar

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MANILA — Nakuhanan ng video mula sa iba't ibang parte ng Pilipinas ang pagsabog ng Bulkang Taal nitong Miyerkoles (Oktubre 2), pasado alas-4 ng hapon.

Sa kuha ni Bayan Patroller Jade Salazar, makikita mula sa Nasugbu Highway sa Tagaytay ang unti-unting pagtaas ng ibinuga ng Taal Volcano.

Sa Agoncillo, Batangas naman, nakuhanan ni Bayan Patroller Rey Matienzo ang patuloy na pagtaas ng usok.

Samantala, nasaktuhan naman sa live ni Bayan Patroller Jodee Cacao mula sa Barangay Lumang Lipa sa Mataasnakahoy, Batangas ang dahan-dahang pag-usli ng isang parte ng usok papunta sa kanan habang patuloy itong tumataas.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Phivolcs, tumagal ng 11 minuto ang pagsabog ng bulkan at umabot sa 2,400 metro ang taas ng ibinuga nito. 

Tinukoy naman ito ng ahensiya bilang isang "phreatomagmatic eruption" o ang pagputok ng bulkan kung saan nagkadikit ang magma at tubig. —May ulat mula kina Cielo Gonzales at Dabet Panelo (Bayan Mo, Ipatrol Mo), at Chalssea Kate Echegoyen (Bayan Mo, Ipatrol Mo Intern)

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.