1 patay, 3 sugatan sa banggaan ng kotse at 10-wheeler sa Antipolo

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1 patay, 3 sugatan sa banggaan ng kotse at 10-wheeler sa Antipolo

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Patay ang isang lalaki at sugatan naman ang tatlo niyang kasamahan matapos magkabanggaan ang sinasakyan nilang kotse at isang 10-wheeler truck sa Marcos Highway sa Antipolo, Rizal, mag-aalas kwatro kaninang madaling araw.

"Bago mag-alas kwatro nakatanggap ako ng tawag sa base. Pagdating ko dito tiningnan ko agad yung mga sakay ng kotse may mga sugatan sa loob eh," sabi ni Noli Vinas, Antipolo traffic enforcer na unang rumesponde sa insidente.

"Hindi po makausap yung driver ng kotse medyo tuliro siya, lima silang sakay," dagdag niya.

Ayon naman sa driver ng truck, nagdeliver sila ng hollow blocks sa may Boso Boso sa Antipolo at pauwi na sana sila Pampanga.

Nakaparada sila sa gilid ng Marcos Highway dahil bumili sila ng kape bago ituloy ang kanilang biyahe, nang bigla umanong may bumangga sa kanilang likuran.

ADVERTISEMENT

"Paalis palang kami paakyat pa lang yung pahinante ko [sa truck]," sabi ng truck driver.

Sa lakas ng pagkakabangga ay wasak ang harapang bahagi ng kotse.

Dead on the spot ang isa sa mga sakay sa likod ng kotse habang nagtamo ng mga sugat ang tatlong iba pa.

Agad naman silang dinala sa ospital para mapagamot.

Ayon sa imbestigasyon ng Antipolo police, walang maipakitang lisensya ang driver ng nabanggang kotse at nakainom din umano ang driver. Sasailalim naman sa kaukulang examination ang driver.

Hindi pa humaharap sa media ang mga driver at sakay ng kotse.

Hawak na ng Antipolo police ang driver ng truck habang nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon hinggil sa insidente.

IBA PANG ULAT



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.