1-taong gulang na bata nalunod matapos mahulog sa kanal sa San Andres, Quezon
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1-taong gulang na bata nalunod matapos mahulog sa kanal sa San Andres, Quezon
Ronilo Dagos,
ABS-CBN News
Published Oct 23, 2024 12:48 PM PHT

Quezon PNP

Nasawi ang isang taon at walong buwang gulang na batang lalaki matapos mahulog sa kanal at matangay ng baha sa San Andres, Quezon Martes ng umaga.

Sa dagat na natagpuan ang biktima Martes ng tanghali.

Ayon sa report ng San Andres police, natutulog umano ang ina ng bata at isa pang anak nito nang nakalabas sa gate ang biktima at nakapunta sa kanal na nasa harapan lamang ng kanilang bahay.

Hinihinalang naglaro ang bata sa gilid ng mahulog ito at natangay ng malakas na agos ng tubig.
Hinihinalang naglaro ang bata sa gilid ng mahulog ito at natangay ng malakas na agos ng tubig.
ADVERTISEMENT
Agad sumaklolo ang mga residente at tumawag ng mga rescuer at inabangan ang bata sa dulo ng kanal na patungo sa dagat.

Subalit dahil sa lakas ng agos, nakalusot ang bata at doon na ito hinanap at natagpuan ng mga rescuer na nakalutang sa malapit sa dalampasigan.

Agad itong sinagip at isinugod pa sa ospital subalit idineklara na itong dead on arrival ng doktor.