Hanging bridge sa Pio Duran, Albay, bumagsak dahil sa baha | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Hanging bridge sa Pio Duran, Albay, bumagsak dahil sa baha
Ronilo Dagos,
ABS-CBN News
Published Oct 23, 2024 08:24 AM PHT

Pio Duran MDRRMO

Tuluyan ng bumigay ang isang hanging bridge sa bayan ng Pio Duran, Albay lampas hatinggabi nitong Miyerkoles.

Ayon sa Pio Duran MDRRMO, dakong alas 12:04 ng hatinggabi ng tuluyang bumagsak ang nasa 120-metro na hanging bridge sa Sitio Lagaan, Barangay Banawan matapos na mag collapse ang concrete base support nito sa magkabilang dulo at ang mga steel braces dahil sa laki ng baha at patuloy na pag-ulan dulot pa rin ng bagyong Kristine.

Nawasak ang buong structure at nalaglag at natangay ng malakas na agos ng baha sa ilog.

Ang hanging bridge ang nag-uugnay sa barangay patungo sa kabayanan at daaanan ng mga estudyante pumapasok at mga residente nagtatrabaho.

Labis na ikinalungkot ng mga residente ang pagkawasak nito lalo na at magdiriwang pa sila ng kapistahan ng kanilang patron na Senior Saint Rafael De Arcanghel ngayong araw at hanggang bukas.